Advertisers

Advertisers

Sharon ‘lola’ ang role sa Hollywood project

0 219

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

TRENDING ang ipinost ni Sharon Cuneta sa kanyang Instagram account tungkol sa possible Hollywood project na gagawin niya.

Marami rin ang naintrigang marites sa titulo ng nasabing proyekto.



May titulo itong “Concepcion,” isang crime family drama  na iproprodyus ng Only Human Productions sa pakikipagtulungan ng ABS-CBN.

Sey ni Sharon: (Sige, magtawa kayo sa title). Eh, wala ganoon talaga, eh.trabaho lang, walang personalan. Just might be my surprise#1 for all of you.This is Hollywood y’all!”

Ibinahagi niya ang link ng naturang TV series na naka-tag ang Fil-American actor na si Reggie Lee.

Ayon sa artikulo, pinag-uusapan na ang magiging partisipasyon ng Megastar sa naturang proyekto na nakatakda siyang gumanap sa papel ni  Lola Emily,  ang makapangyarihang ‘matriarch’ ng Concepcion family.

Ang groundbreaking Fil-Am production ay mala- The Godfather 2 at The Sopranos ang peg.



Kasama rin sa cast nito ang Hollywood actor na si Mark Dacascos at ang dating Ms. Saigon alumnus na si Jonjon Briones na gumanap na The Engineer.

Hirit naman ng kibitzers, hanggang ngayon, hindi pa raw maka-move on ang singer-actress sa ex na si Gabby Concepcion.

Atat na raw itong makasama sa proyekto ang estranged hubby kaya pati title ng pelikula nito ay apelyido ng actor.

Isa namang faney ang nagtanong kay Shawie kung bakit lola ang role nito sa nabanggit na series .

Sey ng Megastar, ganoon daw talaga sa Hollywood, pinatatanda ang kanilang mga aktor.