Advertisers
Ni JOVI LLOZA
INAMIN ng 2020 Miss Universe na si Rabiya Mateo na hindi pa siya handa para mag-shift sa pagpapa-sexy.
Kasi nga raw may mga hadlang kung bakit di pa siya handa na mag-enroll sa sexy department.
Una nga ay Miss Universe siya at iba nga raw ang set ng kanyang followers sa kanyang socmed.
Halos lahat naman kasi ng kanyang followers sa kanyang socmed account ay mga kabataan.
Dagdag pa nga ang habilin ng kanyang ina na tatlong taon ay baka mag-go na si Rabiya sa sexy role.
Kaya gustuhin man ni Rabiya na mag-shift into another image ay di pa puwede dahil sa isinasaalang alang nitong mga kadahilanan.
Pa-wholesome muna ang peg ni Rabiya habang ‘di pa ito decided sa pagpapaseksi.
Isa si Rabiya sa nagpasya na pumasok din sa showbiz bukod sa mga kapwa niya beauty queen na sina Maxine Medina, Ariella Arida at Kylie Versoza.
***
Si Darna lang pala ang magpapatahimik kay Cardo Dalisay ng Ang Probinsiyano
SADYA nga raw hinabaan ang role ni Sharon Cuneta sa Ang Probinsiyano as Aurora.
Hanggang sa matapos na nga raw ang Ang Probinsiyano ni Coco Martin ay nandoon pa rin si Megastar.
Sa anim na taon na pamamayagpag ng action series ay may bulung bulungan na malapit na rin ito matapos.
May sitsit na baka hanggang Setyembre na lang ang action serye ni Coco.
Sa paglipad nga raw ni Darna ay saka lang daw ito tatapusin ayon pa sa mga sitsit.
Ito na nga raw ang longest running aksyon serye sa kasaysayan ng industriya.
Si Darna lang pala ang magpapatahimik kay Cardo Dalisay ng Ang Probinsiyano.
Well, well, well…’Yun na!