Advertisers
Ni BETH GELENA
LAST Valentine’s Day lang natanggap ni Angel Locsin ang kanyang wedding ring.
Pinost ni Angel ang sorpresang singsing na binigay ng mister niyang si Neil Arce..
Wala kasing nakahandang wedding ring ang celebrity couple nang magpa-civil wedding sila last July 2021.
Aba, kumuda rin naman ang misis ni Robin Padilla na si Mariel Rodriguez na wala rin daw silang wedding ring ni Binoe nung sila’y kinasal.
Halos 12 taon nang nagsasama bilang mag-asawa sina Mariel at Robin pero never pa ring may suot na wedding ang dating TV host.
Komento ni Mariel sa Instagram post ni Angel: “Kami mag 12 years wala kaming wedding ring parin mars. Hehehe happy anniversary.”
Sinagot naman siya ni Angel at sinabihang singilin nito si Robin.
Tawang-tawa raw sina Angel at Neil sa komento ni Mariel.
May nagtaka naman kung paano nangyari iyon eh isa sa pinakamahalagang bagay ang singsing sa isang kasalan. I thought that’s the main thing you need? No hate po just asking.”
***
MAYMAY NILANTAD ANG VALENTINO
BINULABOG ni Maymay Entrata ang netizens lalo na ang mga Marites nang ipost niya sa kanyang IG Official ang litrato niyang may kayakap na guy.
Ang caption na nakasulat ay “Happy birthday my Valentino.”
Hindi rin pinangalanan ni Maymay ang guy.
Marami naman sa mga tagahanga ng dalagang aktres ang natuwa kung totoong karelasyon niya ang guy
“OMG, who is the guy? so happy for Maymay! ❤️❤️❤️”
“hindi namn sinabing jowa partner nya yan sa play”
“Sasabihin ba ni guy na sweetheart kung hindi sila mag-on?”
“Yung may gwapong jowa ka na, tapos sa abroad ka pa nag-aaral, winner in life si girl.”
“Anong lahi nya? Mabenta sa afam si ate.”
“Mahilig sa exotic beauty ang mga afam”
“YASSS! I don’t like Maymay nung may mga ka LT pang pinupush management sakanya but I like her now! Nakaka mature sa paningin na malaya na sya ❤️”
***
TONI MAY POST NA LION MENTALITY, AGAD DINELETE
WALA pa ring katapusan ang isyu kay Toni Gonzaga.
Sa IG ni Toni ay may post siyang face ng lion na may link na ‘Lion Mentality’.
Pero agad din daw itong dinelete ng TV host dahil sa bumabahang komento.
Pawang bothered or unbothered na natuturete na siyang basahin.
“Unbothered yarn”
“When is it ok to be unbothered and when is it not ok to be unbothered? Charot”
Mat nagsabi pang “Pawisin din ba kilikili ng lion?”
“Mga tao talaga. May sabihin ka man o wala. Maraming kuda maraming hanash. Kala mo may ambag sa buhay ng kapwa nila. Mga sawsawerang marites lang naman.
“be quiet na lang Toni with your huge campaign talent fee and your pawising kilikili!”
“Deep inside her, against her heart decision nya. Family is her priority”
“True!!! Makakalimutan rin naman syang ibash ng tao eh kung mananahimik, eh ayaw rin. She’s enjoying the attention kasi wala na yung spotlight sa kanya before.”
Well, tama nga siguro ang sinabi ng netizen na tumahimik na ang TV host at wag nang magpost nang kung anu-ano sa socmed.
Mas mainam yata pansamantala muna niyang iwanan ang social media.