Advertisers

Advertisers

Nora walang kapalit sa pagiging Superstar

0 490

Advertisers

Ni MELCHOR M. BAUTISTA

HINDI puwedeng alisin kay Nora Aunor ang titulong Superstar. Sina Judy Ann Santos at Kathryn Bernardo daw, sa magkaibang panahon ng kanilang kasikatan ay sinasabi rin na sila na ang bagong Nora Aunor.

Una sa lahat, walang golden voice sina Juday at Kathryn.



Gustong insultuhin at tawaging Former Superstar si Nora dahil magkakasunod daw na ilang taon na hindi kumikita sa takilya ang kanyang mga pelikula. Nawala na rin daw ang ipinagmamalaking boses ng premyadong aktres na todong nagpasikat din sa kanya bilang recording artist nu’ng dekada sitenta.

Ang masang Pinoy ang nagluklok sa dulo ng tagumpay ni Nora. Nawala siya sa bansa pero nu’ng magbalik-showbiz ay pinatunayan pa rin ang kanyang pagiging alagad ng sining. Kinikilala ang kanyang kahusayan bilang aktres na karangalan din ng ating bansa.

Mula noon hanggang ngayon ay mahirap pantayan ang pinatunayan ni Nora Aunor sa movie industry. Kaipokritohan sa showbiz kung sabihing hindi na niya hawak ang pagiging Superstar. Siya lang iyon. Walang papalit.

***

KAPIT na sa patalim ang guwapo at seksing aktor na unti-unting bumabagsak ang showbiz career dahil sa maraming kanegahan na nangyayari dahil ang ilusyon niya ay todo na ang kanyang kasikatan.



Dahil sa pandemya ay naging matumal ang dating ng mga projects sa guwapong aktor. Pero tuloy ang lifestyle na akala mo’y bongga pa rin ang kadatungan niya.

Sa isang exclusive party ng mga mayayamang bading sa isang resort sa Batangas ay nagulat ang mga bisita. May special guest daw, celebrity na magpe-perform. Lumuwa ang mga mata ng mga bading, rumampa sa kalagitnaan nila sa may swimming pool ang guwapong aktor na ang suot ay bikini na bumabakat ang ganda ng katawan at pagkalalake.

Pagkatapos rumampa ay lumapit si guwapong aktor at nakipagkamay at beso-beso sa mga bading. Ilang minuto lang, nawala na siya. Umugong ang tsikahan, isang mayamang bading ang suwerteng naka-afford para makasama ang aktor, buong magdamag sa isang private room.

Alam na this. ‘Di ba naman?

***

MASUWERTE si Jennylyn Mercado dahil sobrang maalaga sa kanya ang GMA-7 sa pagkakataon na kinakailangan muna niyang magpahinga sa kanyang showbiz career.

Nagkaroon ng aberya sa huling teleserye ni Jennylyn dahil sa kanyang pagbubuntis dahil kinakailangan muna niyang magpahinga hanggang sa siya ay makapanganak.

Loyalistang Kapuso star si Jennylyn kaya mahal siya ng nagpasikat sa kanya. Madami na ring pinagdaanan ang aktres katulad ng pagkasira ng loveteam at relasyon nila noon ni Mark Herras, nagbuntis at nakahiwalayan si Patrick Garcia, pagtatapos ng relasyon nila ni Luis Manzano, nagkahiwalay sila ni Dennis Trillo at nagkasakitan pa pero naging sila pa rin hanggang ngayon. Sa lahat ng ito, GMA-7 ang laging karamay ni Jen.