Advertisers

Advertisers

Pagkilala sa PhilID, PSN sa lahat ng transaksyon pinuri ni Bong Go

0 304

Advertisers

PINURI ni Senator Christopher “Bong” Go ang pagpapalabas ng Executive Order No. 162 na nagpapatibay sa Philippine Identification (PhilID) at PhilSys Number (PSN) bilang sapat na patunay sa lahat ng transaksyon sa gobyerno at pribado.

Ayon kay Go, layon ng EO na pahusayin ang paghahatid ng serbisyo publiko, palakasin ang mabuting pamamahala, at putulin ang red tape sa pribado at pampublikong mga transaksyon.

“Kung nais nating ganap na makamit ang buong benepisyo ng national ID system, kailangan ang institusyonalisasyon ng paggamit nito na titiyak sa mas mabilis, mas mahusay, at mas cost-effective na paghahatid ng mga serbisyo ng gobyerno,” sabi ng senador.



Sinabi ni Go na habang naghahanda tayo para sa ‘new normal’, ang paglipat sa e-governance ay nagiging mahalaga, lalo na ang digitalizing ng mga proseso ng gobyerno.

Ang e-governance ay magbabawas ng red tape, mag-aalis ng katiwalian, magpapahusay ng transparency, magbibigay ng ligtas at maginhawang paghahatid ng mga serbisyo sa mga tao, at hihikayatin ang feedback at partisipasyon ng mamamayan sa pamamahala,” dagdag niya.

Ang PhilSys Registry ay itinatag alinsunod sa Republic Act No. 11055 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2018.

Sa ilalim ng batas, ang bawat mamamayan at residenteng dayuhan ay bibigyan ng natatanging numero ng pagkakakilanlan na magsisilbing pamantayang numero para sa indibidwal sa lahat ng ahensya ng gobyerno.

Layunin din ng PhilSys na magsilbing opisyal na dokumento ng pagkakakilanlan at opisyal na patunay ng mga cardholder sa pakikipagtransaksyon sa mga ahensya at pribadong sektor.



Higit pa rito, ang Seksyon 7 at 12 ng RA No. 11055 ay nagtatadhana na ang PSN, sa print, electronic at iba pang anyo, na napapailalim sa authentication, ay dapat tanggapin bilang sapat na patunay ng pagkakakilanlan sa transaksyon sa alinmang ahensya ng gobyerno o pribadong sektor kahit walang PhillD.

Ang PhillD, PSN o PSN derivative ay maaaring iprisinta bilang kapalit ng birth certificate para sa mga transaksyon.

Noong Hulyo 2020, inihain ni Go ang Senate Bill No. 1738 o ang E-Governance Act of 2020 upang higit na matugunan ang inefficiencies na sumasalot sa burukrasya at bawasan face-to-face transactions.

Kung magiging batas, ang panukala ay magbibigay sa publiko ng mas madaling access sa hinihiling na impormasyon ng gobyerno, mga dokumento at mga form online sa pamamagitan ng kanilang sariling device o gadget.

Nanindigan si Go na sa pamamagitan ng E-governance, masusubaybayan ng mamamayan ang paghahatid ng mga pampublikong serbisyo mula simula hanggang katapusan habang ang anumang pagkaantala sa mga pamamaraan ay matutunton sa eksaktong tanggapan at mga indibidwal na responsable.

“Dapat tayong gumamit ng mas mahusay, tumutugon, at modernong paraan ng pakikipagtransaksyon sa ating mga mamamayan. Ito ay epektibong gagawing mas naaayon ang gobyerno sa pagbabago ng panahon,” anang senador.