Advertisers

Advertisers

QC District 5 napandemya?

0 347

Advertisers

PAHUPA na ang COVID-19 PANDEMIC pero isang CONGRESSMAN ang tila madadale ng pandemya mula sa kaniyang mga constituent na mistulang na-scam sa panahon ng pandemyang nangarap magkabahay.., subalit tila nalusaw dahil hanggang ngayon ay wala pa rin ang pinapangarap na magkabahay.

Ang tinutukoy natin ay si QUEZON CITY DISTRICT 5 CONGRESSMAN ALFRED VARGAS.., na magkasunod na araw hanggang kahapon ay may mga naghain ng kaso laban sa kaniya sa OFFICE OF THE OMBUDSMAN.

Kamakalawa ay 2-katao at kahapon ay 2-katao rin ang magkasunod na nagsampa ng kaso laban kay VARGAS hinggil sa paglabag nito sa kasong ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT.., na ayon kay ATTY. RHODORA RIVERA CORPUZ ay nahaharap din ang naturang CONGRESSMAN sa mga kasong GRAVE MISCONDUCT AND ACT PREJUDICIAL TO THE BEST INTEREST OF THE SERVICE. Kung mapatutunayang nagkasala si VARGAS ay maaring mahatulan ito ng SUSPENSION na 6-buwan na walang suweldo base sa isinasaad ng SECTION 24 R.A. 6770.



Sa pahayag ni ATTY. CORPUZ sa mga mamahayag ay mayroon umanong 500 pamilya ang na-scam sa inaasam nilang pagkakaroon ng lupa’t pabahay sa pamamagitan ng proyektong ilulunsad umano ni CONG. VARGAS.

Lumalabas na ang mga pami-pamilyang nagnanais maging benepisaryo ng proyektong lupa’t pabahay ay may mga nagsipagbayad ng halagang P10,000 hanggang P40,000.., na ang transaksoyon ng bayaran ay sa mismong tanggapan umano ni CONG. VARGAS.

Gayunman, ang mga pami-pamilyang umasa sa proyekto ay nainip na dahil 6-taon na ay wala pa rin ang inaasam nila sa pagkakaroon ng magiging sariling bahay.., na nitong magkasunod na araw ay may mga nagsampa na ng kaukulang kaso sa OMBUDSMAN.

Nitong nakaraang Lunes, sa sesyon ng QUEZON CITY COUNCIL ay nag-privilege speech si QC COUNCILOR ALLAN BUTCH FRANCISCO, na isiniwalat nitong may mga constituent ang dumulog sa kaniyang tanggapan at nagsiwalat hinggil sa nasabing anomalya.., kung saan, sa pamamagitan ng online screen ay sinagot naman ni QC COUNCILOR PATRICK MICHAEL VARGAS (nakababatang kapatid ni CONG. VARGAS) ang nasabing privilege speech.

Inihayag ni COUNCILOR PM VARGAS na nasolusyunan na umano nila ang nasabing isyu. Aniya, nagamit umano ang pangalan ng kaniyang kapatid at bilang patunay ay may mga inihain na umano silang kaso laban sa lahat ng nasasangkot sa scam-pabahay. Ang speech umano ni COUNCILOR FRANCISCO ay pamomolitika lamang dahil itinaon ngayong panahon ng eleksiyon at aniya ay mas mainam na magkatulungan sila dahil nireresolba na ang isyu at may mga idinemanda na upang mapanagot sa sinapit ng mga constituent na nadale ng scam.



Gayunman, sa panig ni COUNCILOR FRANCISCO ay ang mga nagrereklamo ang dapat umanong kausapin, kaharapin o ayusin ni CONG. VARGAS dahil hindi naman umano siya apektado rito.., at higit sa lahat ay hindi umano siya namomolitika dahil hindi naman na aniya siya kumakandidato sa anumang posisyon ngayon.

Ang magkapatid na VARGAS ay ka-distrito rin nila si COUNCILOR FRANCISCO.., na ang pananaw ng ARYA ay magkakasundo rin ang mga ito sa oras na maresolba ang hinaing ng mga nagsisipagreklamo laban kay CONG. VARGAS…, ika nga, parepareho silang nasa PUBLIC SERVICE at marapat na harapin ang pagtulong sa pangangailangan ng kanilang mga constituent

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.