Advertisers

Advertisers

Ruru Madrid focus sa bagong serye

0 384

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

ILAN na bang mga beauty queen natin na pagkatapos sumabak sa mga beauty pageant sa ibang bansa ay pinapasok ang pag-aartista? Ang latest nga na nagpaseksi and daring sa movie ay si Kylie  Verzosa na tinangkilik naman ng kanyang followers.

Ngayon na sabak na rin si Rabiya Mateo, dating Miss Philippines Universe ay marami ang nagsasabing kering-keri rin nito ang magpaseksi sa movies, lalo na may maganda siyang mukha, sexy body at angking galing din sa pag-arte. Hindi naman itinanggi ni Rabiya na open naman siya sa ganitong klaseng role pero sa ngayon ay hinay-hinay lang muna siya sa pasimula palang na showbiz career.



“It’s because I just won Miss Universe Philippines and it’ll take a lot of years [pa] siguro. I also consider ’yung audience ko. Usually po kasi ng fans ko is bata, so kailangan ko dahan-dahanin yung image ko,” say ni Rabiya.

Sa palagay kaya ni Rabiya kailan niya kakayanin na magpaka-daring at sexy sa isang project?

“Kino-consider ko rin ’yung mom ko kasi merong restrictions, meron siyang rules kung hanggang saan ba talaga ako. It’s safe to say na in the coming three years, ’di ako tatanggap ng sexy roles,” dagdag  na say pa ni Rabiya.

Sa ngayon ay bisi-bisihan si Rabiya sa kanyang action serye na  ‘Agimat ng Agila’ Season 2 na isang agent ang role niya kasama si Bong Revilla, Jr.

***



MARAMI sa mga fans ni Ruru Madrid ang nakaka-miss na sa kanya lalo na pag Sunday sa “All Out Sunday” dahil sa halos ilang linggo na rin nilang hindi nakikita ang kanilang idolo. Maging sa  ibang shows ng GMA7 ay no show na muna ang hunk actor. Sa ngayon ay nasa lock in taping si Ruru ng “Lolong” sa Quezon Province kaya hindi siya visible lately.

“Yes, sa wakas, natuloy na rin kami. Mahirap gawin ang ganitong show na puro exteriors. Last year, sa una naming taping, inabot kami ng ulan at bagyo.  It’s also very demanding to do a show na tungkol sa isang giant crocodile. We’re using an animatronic model na sampung tao ang kailangang bumubuhat sa set,” say ni Ruru sa isang virtual interview.

Ngayon nag-resume na sila ng taping, focus dito si Ruru. ‘Ika nga kahit ilang buwan pang abutin ang kanilang lock-in tapings ay fight ang hunk actor?

“Siempre, dapat lang na huwag mong sayangin. Ako, I have such high hopes for ‘Lolong’, lalo na nga’t ginagastusan talaga ito ng network. There were many delays because of the pandemic, the weather, but I’m confident na malalampasan namin lahat ng pagsubok,” say pa ni Ruru.

Bukod sa kanya, kasama rin sa naturang fantaserye sina Christopher de Leon, Jean Garcia, Shaira Diaz, Arra San Agustin, Bembol Roco, Maui Taylor, Alma Concepcion, Abby Viduya, Leandro Baldemor, Ian de Leon, Malou de Guzman, DJ Durano, Marco Alcaraz, Paul Salas, Alma Concepcion at Vin Abrenica.