Advertisers

Advertisers

Winwyn hataw sa Tiktok kahit malaki na tiyan

0 335

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

MATAPOS ihayag ni Vice Ganda na nagpakasal na sila ni Ion Perez last October, 2021 sa Las Vegas, USA  ay dinagsa sila ng love and support  mula sa mga kaibigan at followers.

Ipinaabot ni Vice sa kanyang latest  Instagram ang taos pusong pasasalamat sa mga bumati para sa kanila ni Ion.



“Thank you very much for the overwhelming  love that you have been  sending  us. Our  hearts are  full, Happy Valentine`s Day!!!”  bungad ni Vice.

Nagpaabot ng pagbati sa pamamagitan ng comments section  sina Marian Rivera, Bea Alonzo, Jolina Magdangal, Sarah Labhati, Darren Espanto at Angel Locsin.

Nasabi na ni Vice noon na kinokonsidera  na niya magkaroon ng sariling pamilya matapos na magbago ang kanyang pananaw sa kasal dahil sa sobrang pagmamahal  niya kay Ion.

“Nagbabago rin pala talaga yung tao, ano? Di ba sabi ko. (yung kasal), No, not  for me. If my friends, if some people in my community  want to do  it, I  support  them. Pero ako, not my thing. Hindi ko nakikita yung  sarili  ko.

“(But)  Yeah, kino-consider  ko na talaga siya, Gusto ko nang maging parent. Kasi dati, sabi ko. `No, not my thing.` Hindi ko kayang mag-alaga  ng bata. Tapos, eventually, nag-grow sa akin yung pagkagusto ko sa bata dahil  sa Showtime, dahil sa Star Cinema, sa mga ginagawa kong pelikula na lahat  ang target  ko, para ito sa mga bata.



“Feeling ko, I can be a great  parent. Nararamdaman ko na sa sarili ko `yun,” say ni Vice.

May nagtanong naman na isang netizen kung nagkataon daw kaya na isang ordinaryong bakla si Vice, seryosohin daw kaya ni Ion ang baklang kabayo?

***

HINDI talaga nagpaawat si Winwyn Marquez na magsayaw sa Tiktok kahit malaki na ang kanyang tiyan.

Hindi tuloy maipagkakaila na nagmana siya sa ina na si Alma Moreno pagdating sa pagsasayaw.

Pinost niya ang TikTok video na sumayaw siya sa kanta na, “23 Ape Drums x Ram Pam Pam” at  nilagyan pa niya ito ng caption na, “Giling din onti  si buntis! Good morning!”

Pinulsuhan ng kanyang followers ang ginawa niyang dance move na kahit buntis ay mistulang parang hindi pa malaki ang kanyang tiyan.

Na-miss daw ni Winwyn ang pagsayaw mula nang mabuntis siya. Nagpapasalamat siya na nakagagalaw pa rin siya kahit malaki na tiyan at hindi niya inaasahan na aabot ng higit sa 2.5 million views, 215,400 likes and 750 comment  ang pinost niyang dance video.

“ I  got  tired  after this so  I won`t  be doing it again soon, but  it`s  good  that  I  was  able to move a  bit. I miss dancing,” caption niya sa kanyang Instagram Stories.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin sinasabi ni Winwyn kung sino ang ama ng kanyang magiging baby pero binulgar niya na baby girl ang kanyang magiging anak.