Advertisers
Ni JOVI LLOZA
SA pag-amin ni Barbie Imperial, kinumpirma nito na hiwalay na nga sila ni Diego Loyzaga.
Pinalagan naman nito ang nagsasabing siya raw ay hiniwalayan ng ex na si Diego at ‘di siya ang nang-iwan.
Ayon sa aktres, maayos ang paghihiwalay nila ni Diego. Marami pa raw bagay na dapat nilang pagtuunan ng pansin.
Natatawa na nga lang daw si Barbie sa mga Maritess na hindi naman daw nangyari ay sinasabing nangyari na sa kanila.
Nagpaka-busy na lang si Batbie sa kanyang mga proyekto. Sa latest project nito, ang role niya ay isang kabitsing.
Kung mangyari raw sa kanya ‘yun in real life ay ayaw niya dahil ayaw niya maka-hurt ng damdamin ng iba.
Malaki raw ang paniwala ni Barbie sa karma at kung ano nga raw ang ginawa mo sa kapwa mo ay may balik ito na mas matindi pa.
***
Pagpupubliko ng kasal nina Vice at Ion kinadismaya ng mga relihiyosa at moralista
SINO ba naman ang ‘di nakakaalam na bakla si Vice Ganda at open book din na dyowa niya si Ion Perez.
Hanggang nauwi ito sa kasalan last year October 19, 2021 sa Las Vegas.
Sa pagpupubliko ni Vice ng kasal nila ni Ion ay may mga nadismaya na mga relihiyosa at moralista.
Nandoon na nga raw na nagmamahalan sina Vice at Ion na parehong lalake, huwag na nga raw ipangalandakan ang pagbubunyi pero kahit ano pa ang sabihin nila, may pumabor naman na mga kaibigan at kaanak nila.
Kung gusto raw ipagbunyi ni Vice, huwag na ipagwagwagan sa publiko dahil ‘di maganda sa paningin ng Diyos, ayon pa sa ilang moralista at reliyosa.
Hmmmp! Well, well, well…’Yun na!