Advertisers

Advertisers

Ginebra San Miguel inilunsad ang Hidilyn Diaz special edition bottle

0 419

Advertisers

INILUNSAD ng Ginebra San Miguel kamakailan ang special edition commemorative bottle bilang pagpupugay sa kauna-unahang Olympic Gold medalist ng bansa na si Hidilyn Diaz.

Tampok sa label ng bagong Ginebra San Miguel Hari o litro ang imahe ng pagkapanalo ni Diaz sa weightlifting noong 2020 Summer Games na ginanap sa Tokyo, Japan. Ang orihinal na Ginebra San Miguel label ay iginuhit ng kauna-unahang National Artist na si Fernando Amorsolo.

“Ang daang tinahak ni Hidilyn Diaz tungo sa Olympics ay hindi naging madali. Hindi lamang galing at lakas ang kanyang ipinamalas sa pagharap sa bawat pagsubok at hamon kungdi pati na rin ang kanyang taglay na ‘Bagong Tapang’ at ‘never-say-die spirit’ na nasaksihan ng mga Pilipino at ng buong mundo nang mapanalunan niya ang kauna-unahang gintong medalya sa Olympics para sa ating bansa,” ani Ginebra San Miguel Brand manager Paolo Tupaz.



Kasabay sa paglunsad ng special edition Hari bottle ni Diaz ay ang paglabas ng bagong Ginebra San Miguel TV ad campaign na “Huling Patak ng Bagong Tapang.” Pinagbibidahan ito ng mga kuwento ng sakripisyo at never-say-die spirit ng mga tinaguriang modern-day heroes kasama na ang kuwento ng pagpupunyagi ni Diaz para mapanalunan ang gintong medalya sa Olympics.

Si Diaz ang pangalawang atleta na naitampok sa bote ng Ginebra San Miguel, matapos ang PBA legend at dating senador na si Robert Jaworski noong 2013. Ang tinaguriang Jawo Bottle ay inilabas kasabay ng pagreretiro ng jersey no. 7 ng dating Barangay Ginebra San Miguel playing coach.

Ilan pa sa mga inilabas na commemorative bottle ng Ginebra San Miguel ay ang Fiesta Bilog noong taong 2011 at ang health care workers tribute sa Kuwatro Kantos nitong nakaraang taon bilang pagsaludo sa bagong bayani ng COVID-19 pandemic.

Ang Ginebra San Miguel Inc. (GSMI) ang manufacturer ng Ginebra San Miguel, ang nangungunang gin sa mundo ayon sa global drinks journal na Drinks International. Ang Ginebra San Miguel ay 15-time Gold Quality Label awardee ng Monde Selection International Quality Institute. (BKC)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">