Advertisers
KABAG, pinaka-mahirap, pinaka-masakit na maranasan kapag ikaw ay di matunawan at pakiramdam mo ay parang punong-puno ang iyong tiyan.
Malaking problema yan kapag tayo’y dinapuan, kaya hinahanapan natin agad ng kalunasan. Ngayon ay may kahawig na ito sa ating lipunan. KABAG – Kabataan, Anakbayan, Bayan Muna, ACT, Gabriela Partylists.
Mga nagsasabing sila’y kinatawan ng mga aping sektor ng lipunan sa Kongreso, ngunit iba naman pala ang pakay – ang pagbagsakin ang pamahalaan at isailalim sa maka-komunistang sistema ang bansa.
Kamakailan lamang, apat na mga dating matataas na opisyal ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) ang nagkumpirma na ang mga mamababatas ng “KABAG” dating tinatawag na Makabayan Bloc ay mga opisyal din pala ng CPP-NPA-NDF.
Sa lingguhang ‘virtual’ nabalitaan ng National Task Force to End Local Communists Armed Conflict (NTF-ELCAC) kasi, sinabi ni dating CPP official Jeffrey Celis alias “Ka Eric” na sina Neri Colmenares, Satur Ocampo, Liza Masa at Teddy Casiño ng Makabayan Bloc o KABAG ay mga totoo rin palang operatiba ng CPP-NPA-NDF, at ito raw ay kaya niyang patunayan dahil lagi silang nagkikita ng mga KABAG na mambabatas sa mga Regional Committee meeting ng CPP-NPA-NDF noon, nang di pa siya kumakalas sa napakasamang samahan.
Kapag may mga kampanya na, gaya ng national elections, ang sabi nitong si Celiz ay hindi raw totoo na ang mga nag-uusap lamang ay mga simpleng members ng mga partylist ng grupo, kung di ay mga miyembro din ng Regional Party Committee ng CPP-NPA-NDF na nagbibigay ng basbas sa mga kung sino ang magiging kinatawan ng grupo sa Kongreso.
Dagdag pa ni Celiz, mahalaga para sa komunistang-teroristang samahan ang Partylist representations dahil kakuntsaba ang mga ito sa armadong pakikipaglaban. Ang tawag nga raw sa i-style na ito ay Urban Operations and Bureaucratic Infiltration.
Ito namang si Alma Gabin, na dating Education Deputy Secretary ng Eastern Visayas Regional Party Committee at founding member pa ng Kabataan Partylist, ay nagsabi na sa kanyang pamamalagi sa CPP-NPA-NDF naging nominee pa nga siya nito noong 2010, at nakakadaupang palad ang mga gaya nila trade union leader Dennis Velasco at Kabataan Partylist Rep. Sarah Elago.
Ang sabi ni Gabin, ang direksiyon ng KABAG ay nakatutok sa misyon ng CPP-NPA-NDF na pataubin ang pamahalaan.
Si Ariane Jane Ramos, naman na bagong suko lamang bilang Secretary ng Guerilla Front 55, Sub-Regional Committee 5, Southern Mindanao Regional Committee (SMRC), at dating Chairperson ng Gabriela Youth, ng University of the Philippines sa Mindanao, ay nagsiwalat, na sa maikling panahon niyang ginugol sa ‘urban operations’ dahil namundok na agad sila bilang NPA fighter, nakasama niya sila Rendell Ryan Edpan Cagula at Eric Jun Casilao, ngayon ay secretary na ng SMRC at kapatid ni Anakpawis Rep. Ariel Baring Casilao.
Sabi pa ni Ramos ang urban operations ang kanilang paraan para magpakalat ng propaganda, makapagbuo ng Partylist at maka-recruit pa ng mga kabataan.
Sa parehong paraan aniya, na urban at armed struggles, nasusunod ang interes ng CPP-NPA-NDF na pataubin ang gobyerno at mapasailalim ito sa komunismo.
Sa parte naman ni Joy Saguino aka Ka Amihan, dating Secretary ng Guerilla Front 20, Sub-Regional Committee 1, at dating youth at student organizer ng Anakbayan at Kabataan Partylists, ang KABAG raw ang nagkukubli ng mga urban at rural operations ng CPP-NPA-NDF gaya ng mga ginawa ng Salugpungan, Mindanao Interfaith Services Foundation Inc. (MISFI) at mga Lumad schools.
Ang mga mambabatas daw ng KABAG ang siya rin pinanggagalingan ng pondo at nakapanghihingi pa sa abroad.
Sakit na rin pala ng bayan ang KABAG.