Advertisers

Advertisers

Madam Inutz umamin, wish maka-score kay Papa P

0 406

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SA set ng sitcom na ginagawa niya kasama si Papa P., masayang nakipagkulitan si Madam Inutz sa direktor nilang si Direk Cathy Garcia Molina.

Sa isang video, ibinahagi niya ang ganap sa nasabing set na lakas loob siyang nagpamura kay Direk Cathy.



Hindi naman siya nabigo dahil nakatikim siya ng malulutong na mura sa kilalang blockbuster director.

“Direk pamura naman,” hirit ni Madam Inutz.

Nagpaunlak naman ang director kaya hindi  siya nito tinantanan sa pagtatalak.

Tila hindi pa nasiyahan si Madam at humingi pa ng isang round ng malulutong na mura sa direktor ny “My Papa Pi.”

Si Direk Cathy ay isa sa kinaiilagang direktor ng mga baguhan dahil sa pagiging metikulosa nito to the point na minsan ay nakakapagmura ito lalo na’t kapag hindi nape-perfect ng kanyang mga aktor ang kanilang mga eksena.



Sa nasabing video, lahat naman ng babae sa set ay nabigyan ng bouquet of flowers dahil nag-coincide ang taping nila noong Araw ng mga Puso.

Ang naturang video ay mapapanood sa  Daisy_licious Ukay Facebook page ni Madam Inutz.

Kamakailan, naging usap-usapan din ang dating online seller at PBB housemate nang mag-post ito ng larawan kasama ang Ultimate hunk na si Piolo Pascual na inamin nitong nagwa-water water siya at pantasya niyang makatsuktsakan ang  guwapong actor.

Si Madam Inutz aka Daisy Lopez ay alaga ng businessman-philantrophist turned vlogger na si Wilbert Tolentino na binigyan siya ng break bilang recording artist.