Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
IPINAHAYAG ng direktor na si James Merquise ang pagkabilib sa mga bida ng pelikulang Love Aint Enough na sina Akihiro Blanco at Shaine Vasquez.
Tampok sina Akihiro at Shaine sa naturang pelikula na isinulat at pinamahalaan ni Direk James. Showing na ngayon ang pelikula via RAD streaming platform, na in na in talaga ngayon.
Wika ni Direk James, “Si Akihiro po matagal ko na siyang friend, since naging magkasama kami sa isang movie na Sikreto sa Dilim noong 2017, as actors po. Mabait po si Akihiro and super professional siyang ka-work sa isang movie. Super humble din po siya.
“Si Shaine Vasquez naman, professional po siya katrabaho and mabait din po at humble, kahit first time ko lang po siyang nakasama sa movie. Naging maganda po ang outcome ng aming movie na palabas na ngayon sa www.iamrad.app.”
Nakangiting dagdag pa ng aktor/direktor, “Guest din po ako sa movie na ito… aside from ako po ang director ay isa rin po ako sa mga gumanap. Abangan na lang po ng mga manonood if saang part ng movie ako lalabas.”
Nagsimulang napanood ang Love Aint Enough noong Feb. 5 at tatakbo ito hanggang March 7, 2022 sa www.iamrad.app. Ang pelikula ay tinaguriang the most romantic movie of the year 2022, na swak talaga specially ngayong buwan ng mga puso.
Kaabang-abang ang pelikula base sa FB post ni Direk James:
“Love Ain’t Enough is a Pre-Valentines Day movie starring Akihiro Blanco and Shaine Vasquez start streaming Feb 5 to March 7, 2022 buy your tikets now.”
Suportahan po natin ang Pelikulang Pilipino. Tikets now available at www.iamrad.app How to purchase ticket: Sign up at www.iamrad.app then under the Poster of the Movie Tittle click the Buy E- Tiket button.
Paano niya ide-describe ang pelikula?
Saad ni Direk James, “Iyong story po, si Shaine Vasquez as Bella ay nagkagusto po kay Patrick (Akihiro), then later on po ay nalaman ni Bella na may asawa na po pala si Patrick.
“Pero dahil mahal na niya ito ay hindi na niya kayang iwanan pa, kahit na siya mismo si Bella ay may asawa at anak na rin… Ang movie po ay isang love story na pang mag-dyowa, pang GF-BF, and pang mag-asawa rin po. In short, talagang makaka-relate ang lovers sa pelikulang ito.”