Advertisers

Advertisers

Pia sinunggaban agad ang show na leading lady ni Piolo

0 484

Advertisers

Ni BETH GELENA

NAGDESISYON ang former 1st runner-up 1999 Miss Universe na si Miriam Quiambao na manirahan na sa Boracay permanently.

Kasama ang buong pamilya ay nilisan nila ang magulong buhày sa Maynila.



Masaya si Miriam at ang kanyang pamilya sa bagong buhay nila sa Boracay.

“Finally, all 7 of us took the journey on a plane, a shuttle, a boat, and a van to our new home,” ani Miriam sa caption ng kanilang byahe.

Masaya naman daw ang kanyang mga kids at ini-enjoy nila ang buhay sa isla.

“At the end of the day, staring at the Boracay sunset and witnessing how the kids are enjoying their new life on the island makes all the stress and struggles of the past weeks worth it,” ani Mariam.

Dagdag pa ng former beauty queen, “Believing that the Lord has a great and wonderful purpose for us here, we look forward to living the island life for the rest of the year.”



Ibinahagi rin ni Miriam ang mga nakatutuwang bagay na ginagawa ng dalawa niyang anak sa isla.

“Elijah discovered that sand melts from his hand when it’s in the water and experienced his feet being buried in the sand. He tried to scoop some sand with a leaf, while Baby Ziki marinated his feet in the sand,” aniya.

“These sensorial experiences not only help them with brain development but in this way, they also develop a love for nature. These activities introduce them to science (liquid and solids), geography (land vs the sea) and exposure to the sun & negative ions helps to boost immunity ” mahabang sambit niya sa kanyang social media.

***

NANG i-offer daw kay Pia Wurtzbach na maging leading lady ng hunk actor na si Piolo Pascual ay hindi  na raw nagpatumpik-tumpik pa ang 2015 Miss Universe.

“I said yes right away,” ani Pia.

“I’m very very grateful that I am here. Sa dami ng mga puwedeng piliing leading lady, ako talaga.”

Dagdag pa niya: “Nag-yes ako right away, as in yung araw na iyon nung tinanong sa akin. May inusod na ako na work, minove ko ng ibang araw.

“Nag-make way  na ako para magawa ko siya, kasi, parang, kailan pa mangyayari ‘to na mapipili ka to work with them?”

Ito ang unang sitcom na si Miss Universe ang leading lady na mapapanood sa small screen.

Alaala ni Pia nung nag-uumpisa pa lang siya sa showbiz, “The last time I did TV was like bago pa ko mag Binibini bago pa ko mag-pageant, yung last role ko jellyfish sa Aryana.”

Pagkatapos niyang manalo sa 2015 Miss U ay agad na naging leading lady ang beauty queen sa movie na My Perfect You, love interest ni Gerald Anderson na si direk  Cathy Garcia-Molina ang direktor na siya ring direktor nila sa My Papa Pi.

Sabi pa ni Pia, excited siyang muling makatrabaho ang heartthrob actor after 17 years nilang nagkatrabaho.

Taong 2005 ng huling magkatrabaho ang dalawang personalidad sa sitcom na Bora kasama sina Diether Ocampo, Jericho Rosales at Bernard Palanca.

Sabi nga ni Papa P, “She’s a revelation in this show. We were worried kasi nung pagpasok niya nakapag one day na kami pero she went straight into the character.”

“Napapapalakpak pa kami sa kanya minsan kasi Miss Universe siya pero sobrang game niya.”

Segunda naman ni Pepe Herrera  “Sobrang game siya!”

Ang My Papa Pi ay mapapanood tuwing Sabado  7 p.m., umpisa nang mapanood sa March 5  sa lahat ng ABS-CBN’s broadcast platforms: Kapamilya Channel, Kapamilya Online, A2Z, iWantTFC, at TFC.