Advertisers

Advertisers

Youtube channel nina Mommy Pinty at Daddy Bonoy Gonzaga patuloy sa pagtaas; Panaghoy Ng Ina ni Direktor Reyno Oposa

0 494

Advertisers

Ni PETER S. LEDESMA

AS of presstime ay pumalo na sa 1.44 million (still counting) ang Youtube channel ng famous couple na sina Mommy Pinty at Daddy Carlito Gonzaga.

‘Yung episode 17 ng kanilang Vlog na may thumbnail na Late Birthday Celebration Bonoy & Pinty Gonzaga ay humamig na ng 840K views in just 5 days. Ilan pa sa mapapanood sa Vlog nina Mommy Pinty ay ang bakasyon nila ni Daddy Bonoy kasama sina Alex Gonzaga at husband nitong si Councilor Mikee Morada sa Amerika na may 1.3M views at 685K likes at ang Noche Buena ng Gonzaga Family na may 1.6 million views naman.



Iba talaga ang karisma ng mag-asawa sa kanilang mga manonood na tinatawag nilang mga ka-maintenance. ‘Yung kinikita nila sa Vlog ay madalas nilang i-share sa mga taong nangangailangan ng pambili ng regular nilang iniinom na mga gamot.

Yes, hulog ng langit sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy sa kanila at madalas na advice nila sa lahat ay ingatan ang kalusugan.

***

YES, ganoon kabilis magtrabaho si Direk Reyno Oposa at production staff sa sariling independent movie outfit na Ros Film Production. Hayan at after ng quality movie ni Direk Reyno na “Taras,” nakatapos naman siya ng bago niyang pelikula na “Panaghoy Ng Ina” na pinagbibidahan ng Urduja Best Actress na si Elizabeth Luntayao at ipinakilala rito ang isang baguhang child star.

Parte rin ng cast si Cecilia Castillo. Maliban sa siya ang director ng nasabing film ay si Oposa rin ang sumulat ng kwento ng Panaghoy Ng Ina. Assistant director niya sa project si Neil Espiritu. Pagbalik ng Pinas ng kaibigan naming filmmaker ay gagawin naman nito ang biggest movie project na “Claver” na nakatakdang kunan sa Bagacay Lagoon, Claver, Surigao del Norte. May makakasama ritong bigating artista.



***

Pinoy Na Nagtatrabaho Sa Sikat Na Skin Clinic Sa Vancouver, Canada May Malaking Puso

Natutuwa kami sa aming friend na si Rey Gloria, na nag-work before sa Citystate Asturias Hotel Palawan in Puerto Princesa na ngayon ay nasa Vancouver, Canada at executive ng sikat na Skin Clinic.

Nag-celebrate kamakailan si Rey ng kanyang birthday at happy siya at nabati namin siya sa aming solo Vlog (Chika Mo, Vlog Kabog) sa aming Youtube Channel na PPA Entertainment Network.

Hannga kami rito sa aming kaibigan na lalong naging flawless dahil hindi siya maramot mag-share ng blessing at malaki talaga ang puso niya sa kanyang kapwa kaya sumasaludo kami sa kabutihan nito.

Nami-miss na pala ni Rey na mag-celebrate ng Pasko sa Pinas.