Advertisers

Advertisers

“SWITCH TO ISKO” – MRRD-NECC

0 408

Advertisers

“SWITCH to Isko.”

Ito ang panawagan ng Mayor Rodrigo Roa Duterte National Executive Coordinating Committee (MRRD-NECC), isang malaking volunteer group na tumulong upang manalo si President Duterte noong 2016 elections. Ginawa ang panawagan matapos na pormal na ibigay ng grupo ang suporta kay Aksyon Demokratiko presidential bet at Manila Mayor Isko Moreno ni MRRD-NECC president, former Agrarian Reform Secretary John Castricciones sa pamamagitan ng pagpiprisinta ng manifesto of support mula sa mga opisyal at miyembro na present din sa press conference na ginawa sa Intramuros.

Sa pormal na turnover ng nasabing manifesto, nagbigay si Castricciones ng tatlong dahilan kung bakit pinili nilang tulungan at i-endorso si Moreno, una ay dahil nakikita nila ang sinseridad nito sa pagtulong sa mga mahihirap dahil nagmula din aniya siya sa mahirap na sektor.



“Ikaw ang may tunay na pagmamahal sa mahihirap at totoong nakakakilala sa hirap ng tao,” sabi ni Castricciones na binanggit din ang ilan pang criteria kung bakit nila pinili si Moreno bilang presidential candidate na susuportahan at ito ay ang commitment ng alkalde na tulungan ang mga magsasaka at ang kagustuhan nito na ituloy ang mga major programs na sinimulan ng Duterte administration.

Sinabi pa nito na nakita ng MRRD-NECC, na ang lahat ng ginawa ni Moreno sa kabisera ng bansa ay maari niya ring gawin sa buong bansa.

Sa kanyang bahagi ay pinasalamatan ni Moreno ang MRRD-NECC sa kanilang suporta at sinabing kailangan niya ang lahat ng tulong na makukuha niya… “and today, I think ang pinaka-malaking suporta na nakuha ko ay manggagaling sa MRRD. Eh kasi, nakapagpanalo na kayo ng Presidente, baka makadalawa… may awa ang Diyos.”

“Sa tulong ninyo, sana matulungan nyo kaming abutin at dumiretso kayo sa taumbayan, sa mamamayan na maipabatid ang mga mensahe natin at mga pangarap natin sa ating mga kababayan. As I have committed, pagkakapantay-pantay, sa Mindanao, Visayas, Luzon– mahirap, middle class, mayaman.. lahat pantay-pantay sa pananaw ng inyong lingkod in terms of policies, programs and services,” sabi ni Moreno.

Sinabi pa ng alkalde na “since tayo ay bagong kasal, ang susunod ay humayo kayo at magparami.” Sinabi din ni Moreno na ang organisasyon ay binubuo ng mga totoong tao.



Ayon pa kay Castricciones, inaasahan nila na ang mga naunang nagbigay ng suporta sa presidential bid ni Senator Bong Go ay lilipat na rin kay Moreno matapos na ang MRRD-NECC ay pormal na nagbigay ng suporta sa alkalde.

“In the different regions and provinces and mostly, if not all, leaders came from MRRC-NECC. Pag Nakita nilang ang hierarcy ineendoso si Mayor Isko, siguradong magbabalikan ang mga ‘yan. Modesty aside, bawat sulok ng Pilipinas ay may miyembro tayo ng MRRD-NECC,” sabi ni Castricciones na idinagdag din na : “We see in him the qualities of a good President and it is the consensus that we will support him.”

Sinabi naman ng campaign manager ni Moreno na si Lito Banayo na sa pagkakaalam niya ang MRRD-NECC ang nagpasimula ng biyahe ni Duterte sa pagka-pangulo lalo na noong panahon na undecided pa ang Pangulo na tumakbo. (ANDI GARCIA)