Advertisers
INSPIRASYON SA BUHAY: “… Sa halip, bilang tanda ng pagpapakumbaba, ituring ninyong higit ang iba kaysa inyong mga sarili…” (Filipos 2:3, Ang Tanging Daan Bibliya).
***
CARPIO AT ALUNAN, MGA GALAMAY NI FVR, BINARA NG MGA NETIZENS SA KANILANG PANINIRA KAY BBM: Agad sinopla o binara ng mga netizens ang naiulat na pahayag ni dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio, na ikinakalat naman sa social media ni dating Interior and Local Government Secretary Rafael Alunan III.
Ito ay tungkol sa pananaw ni Carpio at ni Alunan sa isyu ng non-filing of income tax returns ni frontrunning presidential candidate Ferdinand BBM Marcos Jr. Nauna ng binanggit ng Commission on Elections na hindi pupuwedeng batayan ng disqualification ni BBM para sa kaniyang pagtakbong pangulo sa Halalan 2022 ang non-filing ng income tax returns.
Ayon sa Comelec, matagal ng sinabi din ng Korte Suprema na hindi crime involving moral turpitude, ang hindi pagsusumite ng income tax returns ng mga empleyado o opisyales ng gobyerno kaya nga hindi ito pupuwedeng gamitin laban kay BBM.
Sa pananaw kasi ni Carpio at Alunan, na parehong mga galamay ng dating Pangulong Fidel Valdez Ramos, ang isa sa mga nang-agaw ng kapangyarihan noong 1986 sa pakikipagsabwatan ng mga Amerikano mula sa lehitimong nahalal na pangulo noon, ang Pangulong Marcos, krimeng may bahid ng moral turpitude ang non-filing of income tax returns.
Maaanghang na banat kay Carpio at Alunan ang pinakawalan ng mga netizens, doon mismo sa Facebook wall ni Alunan, kung saan niya nire-post ang kolum ni Carpio sa isang pahayagan sa Manila na noon pa man ay kilala na sa paglaban sa Marcos family.
***
CARPIO, HINAMON NA SIYA MISMO ANG MAGSAMPA NG KASO LABAN KAY BBM: Isa sa mga banat kay Carpio ay nagmula kay netizen Jun Narvasa na naka-post mismo sa wall ni Alunan. Ganito ang sinabi ni Narvasa: “Ganyan talaga ang abogago (sic) na nagpatuta sa oligarchs, pilit naghahanap ng rason; kung talagang naniniwala sya na may kasong ganyan si BBM bakit hindi sya ang mag file?”
Dagdag pa ni Narvasa, “puro sulsol lang siya (si Carpio) sa iba na mag-file, kasi alam niya na wlang tax evasion kasi may withholding tax si BBM during that time as public official. So non-filing lang ang kaso. Carpio was trying hard by proxy hehehe…”
Ganundin ang sinasabi ng isa pang netizen, si Jun Gacad, na ganito ang ipinost: “The Comelec decision junking the DQ case against BBM is succinctly clear. Candidate Marcos has been convicted of non-filing of ITR, and not of tax evasion. The petitioners echoed Atty Carpio’s line that BBM committed tax evasion, which is clearly aimed at misleading the public. If Carpio honestly believed in the strength of his own argument, he should have filed the case himself and not use media…”
Agad namang sinang-ayunan ang panawagan ng mga netizens na kung naniniwala si Carpio sa kaniyang sariling mga opinyon, dapat na siya (si Carpio mismo) ang magsampa ang kaso, at hindi siya dapat nagtatao sa puwitan ng ibang mga tao…”
Sabi ni Rommel Anonuevo Natanauan: “Jun Gacad Tama. Siya ang magfile…” Naririto naman ang sinabi ni Ann Gendrala: “Jun Gacad Carpio should not hide under the skirt of others if he can say with utmost confidence that his claim has still legal merits!”
Dagdag ni Louise Simon: “… hindi naman need maging abogado para sa simpleng logic na yan. Kawawa talaga ang masa sa mga gaya ni Carpio..” Ayon naman kay Cabico Evangeline: “Talagang hindi ka na tumigil Carpio desperado ka na sa ambisyon mo. He he he, waley ka ng aasahan na maka puwesto sa gobyerno dahil never na mananalo yang manok mo…”
***
MAY LAYUNING LINLANGIN ANG SAMBAYANAN SA MGA PAHAYAG NI CARPIO KONTRA KAY BBM, AYON SA NETIZENS: Mula naman kay Chris Adarve: “Tax evasion and non-filing of Income Tax Return are totally different. Let’s not confuse the people shall we?” Ayon sa mga nag-aaral ng social media participation ng mga netizens, ang dami ng mga kumontra sa pahayag ni Carpio at ni Alunan III ay nagpapakitang gising at matalino na talaga ang mamamayang Pilipino, pagdating sa mga isyung pambayan at panlipunan.
Maliwanag sa mga sagot ng mga bumatikos kina Carpio at Alunan na hindi na pupuwede pang magpahayag ng kabalbalan o kasinungalingan ang sinuman, partikular ang mga bumabatikos kay BBM, dahil meron at meron ng pupuna at sasagot sa mga kabalbalan at kasinungalingang ito.
Kumukumpirma din ang mga pahayag ng mga netizens pabor kay BBM sa mga naglilitawang mga survey results ng iba’t ibang survey firms at media entities, na patuloy sa pagiging number one si BBM bilang iluluklok ng mga Pilipino bilang pangulo ng bansa ngayong Halalan 2022.
Sa huling ulat ng Pulse Asia Survey, lamang si BBM ng 60% sa kaniyang pinakamalapit na kalaban. Samantala, lamang naman ang kaniyang running mate na si Sara Duterte ng 50% sa kaniyang mga kalaban.
Sinasabi ng mga dalubhasa sa pulitika na dahil sa pambabatikos at pagtatagpi-tagpi ng mga kasinungalingan at paninira kay BBM, lalo lamang itong napapamahal at lalong tinatangkilik ng mas nakararaming mamamayan.
***
MANOOD, MAKINIG: Kakampi Mo Ang Batas, www.facebook.com/attybatas, www.facebook.com/radyopilipino, YouTube.com/kakampimoangbatas, Radyo Pilipino stations nationwide, at mga affiliated radio stations ng Kiss FM network, Sunrise News network, PowerNews Broadcasting Network, 95.5. J FM network.