Advertisers

Advertisers

Folayang vs John Wayne Parr sa ONE; X

0 412

Advertisers

MULING babalik ang Two-time ONE lightweight world champion Eduard Folayang sa loob ng hawla kapag nakaharap ang Muay Thai legend John Wayne Parr sa Muay Thai match sa ONE: X sa Marso 26 sa Singapore Indoor Stadium.

“LEGEND vs. LEGEND! haharapin ni Eduard Folayang si John Wayne Parr in an EPIC wushu vs Muay Thai striking showdown sa ONE X” ONE Championship inanunsyo sa Facebook kahapon ng madaling araw.

Ang 38-year -old Folayang, na Southeast Asian Games gold medalist, Asian Games silver medalist, at Wushu world championship bronze medalist, ay bantog na wushu striker ng Team Lakay ng Baguio City.



Hawak ang rekord na 22-12 sa mixed martial arts, ang parating na laban ni Folayang kay Parr ang kanyang unang appearance sa ONE championship cage sa striking. Habang ang 45 -year-old Parr,ay ten-time world champion na may kickboxing rekord na 133-34 na may 46 knockouts.