Advertisers
Advertisers
Advertisers
NUMERO 3 sa balota, si Isko Moreno ang susunod na pangulo ng Pilipinas!
Ito ang lantarang pag-endorso ni Dagupan City Mayor Belen Fernandez kay Yorme Isko at sa katiket na bise presidente Dr. Willie Ong at tatlong kandidatong senador Samira Gutoc, Jopet Sison at Dr. Carl Balita sa kampanya ng Team Isko sa Pangasinan, Biyernes, Peb. 18.
Sa gitna ng mainit na sigaw na “Isko, Isko…” sa loob ng CSI Stadium ng daan-daang Panggasinense, sinabi ni Mayor Fernandez na isang inspirasyon ng maraming lingkod bayan ang naipakitang magandang liderato ni Isko.
Kasama ni Fernandez si Vice Mayor Bryan Kua at apat na nanunungkulang konsehal na itinaas ang kamay ni Yorme Isko at ang buong Team Isko na inaasahang kukuha ng malaking boto mula sa pinaniniwalaang balwarte ng pamilya Marcos.
Sinuklian ng 47-anyos na kandidatong pangulo ng Aksyon Demokratiko ang lantarang pagkampi sa Team Isko ng tropa ni Mayor Fernandez at ipinangakong susuklian ng pinakamahusay na gobyernong tunay para sa pamilyang Pilipino kung susuwertihing manalo sa eleksyon sa Mayo 2022.
Sinabi ni Yorme na mabigat ang laban sa pagkapangulo dahil pobre ang kanilang partido, pero umaasa siya, “sa lahat ng inyong tulong, sa awa ng Diyos, maipapanalo natin ang eleksiyong ito.”
Nagtitiwala siya, dagdag ni Yorme Iskona makukuha niya ang pinakamaraming boto base sa maraming pruweba at akomplishment na ginawa niya sa Maynila, at ito ay magagawa niya sa buong bansa.
“Sa ngayon, ang focus namin ay ma-reach ang taong bayan, sa kalsada, sa bangketa, sa marami pang lugar,magsisikap kami ni Doc Willie, magsisikap kami ni Sam, Carl, at Jopet,” sabi ni Isko.
Dagdag ni Yorme Isko, napakahalaga ang endorsement ng taumbayan sa Team Isko-Doc Willie.
Hindi niya bibiguin ang pagtitiwala sa kanila, sabi pa ni Kois.
“Ang tiwalang binibigay nyo sa amin, hindi namin bibitawan, at ang inyong pagtitiwala, I hope it will trickle down sa buong bansa,” sabi ng dating basurerona sa edad 23, naging konsehal, naging bise-alkalde sa edad 32 at alkalde ng Maynila sa edad 44.
“Sana nga po ay magdilang-anghel si Mayor Belen (Fernandez) ngayong 47-years old ako, palaring inyong susunod na presidente,” sabi ni Yorme Isko. -30-