Advertisers

Advertisers

Lovely Rivero dream come true na maging bahagi ng international indie film na ‘The Visitor’

0 613

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

MULING nagpamalas ng husay ang veteran actress na si Lovelu Rivero nang gumanap siya bilang protective mom sa Magpakailanman ng GMA-7.

Sa episode titled Asido Sa Kamay Ng Asawa, anak niya si Jasmine (Max Collins) na nagkaroon ng partner na abusadong tricycle driver na si Brando (Martin del Rosario). Very convincing ang portrayal ni Ms. Lovely bilang mother ni Max.



Palibhasa’y isang mother talaga siya in real life, kaya alam niya ang pakiramdam ng isang ina kapag nalagay sa ganoong sitwasyon ang kanyang anak.

Nauna rito, naging bahagi si Ms. Lovely ng Mano Po TV series kaya thankful siya na kahit hindi contract artist ng GMA-7 ay patuloy na nabibigyan ng magagandang projects sa Kapuso Network.

Aniya, “Iyan ang isa sa pinaka-ipinagpapasalamat ko sa Diyos na kahit paano, He blesses me with continuous work sa Kapuso network dahil gustung-gusto ko talaga na nagtratrabaho sa kanila at mahal ko ang mga nakaka-work ko sa GMA. Plus ang gaganda naman talaga ng projects nila at napaka-ayos ng sistema.

“Kaya malaki rin talaga ang pasalamat ko sa lahat ng bumubuo ng GMA network at sa mga production people na nagtitiwala sa akin doon. At the same time, minsan, nagkakaroon din ako ng chance to work sa ibang networks at productions dahil nga freelance actor naman ako at dahil dito, mas lumalawak ang kaalaman at experiences ko.”

Dagdag pa ng magandang aktres, “Basta ang paniwala ko, ‘pag may trabaho akong ginagawa, dapat pagbutihin mo at ibigay ang puso at serbisyo at abilidad nang buong-buo kasi that is how you show your gratitude and appreciation-by doing a good job, by trying to do your best all the time, maliit man or malaki ang role at kahit saan mang produksiyon.”



Incidentally, congrats kay Ms. Lovely dahil kasalukuyan siyang nagsu-shooting ng isang all English, international indie film na ginagawa ngayon dito sa Pilipinas ng American actor/director/writer na si Anthony Diaz at ng kanyang ama na si Antonio Diaz. Pangalawang pelikula na nila ito sa Pilipinas under Kaizen Studios at sa pamamahala ni Ms. Elaine Lozano sa Philippine side.

Ang pelikula ay pinamagatang The Visitor, na  gumaganap ng isang mahalagang role ang aktres. Ang iba pang Filipino actors na kasama rito ay sina Jake Cuenca, Joel Torre, Jong Cuenco, Mara Lopez, Claire Ruiz, Anna Marin, at Yussef.

Nagpahayag ng kagalakan ang aktres sa pagkakataong ibinigay sa kanya na maging bahagi ng proyektong ito. “It’s a dream come true to experience working with an American director and basically an American run production. Marami akong natutunan sa kanila and amazing para sa akin yung nakita kong pagka-passionate, disciplined at hands-on nila.

“I hope makagawa ako ulit ng movies under them sa mga susunod nilang projects ‘coz it was great working with them at nakakatuwa dahil malaki ang bilib at respeto nila sa Philippine actors, production staff, at crew natin,” sambit pa ni Ms. Lovely.

Nakatakdang magkaroon ng malaking premiere night ang nasabing pelikula within this year.

Looking forward naman ngayon si Lovely sa mga TV guesting na darating sa kanya at maaaring isang bagong serye sa hinaharap.