Advertisers

Advertisers

Alexa Ilacad may patama ang hugot song

0 454

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

TUNGKOL sa heartache ang kanta ni Alexa Ilacad na ‘Paano’ kaya tinanong namin ang actress/singer kung sa tunay na buhay ba ay naranasan na niya ang masaktan ang puso niya?

Punumpuno kasi ng emosyon at hugot si Alexa habang inaawit ang kanyang latest single.



Kailan ba siya huling nakaranas na masaktan?

“That one was my first heartbreak po,” patungkol ni Alexa sa kanta niyang ‘Paano’ na sinulat niya noong 2016 na ayon nga sa kanya noong panahon na iyon siya ay “fresh from a heartache”.

“I wrote ‘Paano’ because I had no other way and place to channel my emotions. I kept it with me for so long until I was ready to share my pain.”

“Pero huling nakaranas… was siguro, it was inside the PBB house.”

Naging housemate sa Pinoy Big Brother House si Alexa sa Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 na nagsimulang umere noong Oktubre 2021.



Naging mainit ang pagtanggap ng publiko sa “trayanggulo” nila nina KD Estrada at Eian Rances sa loob ng Bahay Ni Kuya.

Pagpapatuloy pa ni Alexa…

“Not naman heartbreak talaga, but may napagdaanan din inside that made me sad, love-wise,” at tumawa si Alexa habang kausap namin via Zoom nitong January 19 sa mediacon para sa media launch ng single niyang ‘Paano’ sa ilalim ng indie record label company na Off The Record.

Nalampasan na raw ni Alexa ang naturang kalungkutan.

“I’m a strong girl so when I choose to move on I really move on. And I always try to be the better person na lang in all situations.

“So in that matter okay naman kami nung tao, we talked it out, we were able to settle everything and we tried to work it out here sa outside world so all is good naman.

“It just didn’t really take off sa loob ng bahay [ni Kuya] kasi baka we didn’t want it na baka dala lang ng pressure, dala ng tukso, ng mga tukso ng ibang tao, we wanted it to come organically.

“So… nalagpasan naman, kasi we had really good support system inside the house. Na yung mga naging kaibigan ko na rin, na mga ex-housemates na sobrang pamilya ko na din.

“Talagang tinulungan din nila ako and of course, music helped me, I was able to write songs about the situation so that’s where I channeled all my emotions talaga.

“It [music] was my therapy which is why I was able to move forward.”

Paano” is out on Spotify, Apple Music and all digital streaming platforms and is Alexa’s collaboration with her best friend and vocalist of Gracenote, Eunice Jorge.

Off The Record is a new and fast-growing indie record label and entertainment company in the Philippines that is dedicated to the discovery, development, and distribution of bold, resonant voices in the local Pinoy music scene. We are the alternative choice for diverse music, quality production, and engaging content.

***

BAGONG dagdag sa cast members ng First Lady si Shyr Valdez bilang si Sioning.

Tinanong namin si Shyr kung saang papel siya mas nag-e-enjoy; kapag inaapi siya o ngayong siya ang nang-aapi tulad nga ng role niya sa First Lady?

“Actually, masarap mang-api in terms of acting, kasi talagang there’s spunk e, kapag may ganyan.

“Kasi pagka mabait more on iyakan, malamya, e medyo hindi ko character yung malamya,” at tumawa si Shyr. “Maano akong magsalita, di ba?

“But you know, in totality it’s a role, whatever is given we have to do it one hundred and one percent.

“So kahit naman ano’ng ibigay ginagawa ko in the best of my ability.

“Ang hirap lang mang-api lalo na pag yung aapihin mo mabait at sobrang sikat. Alam mo yun? Kasi siyempre yung mga fans ang iniisip nila baka nasaktan mo or ganito.

“So it’s just a matter of assuring them that you know, hindi naman nasasaktan, kung meron mang mga bagay o eksena na pisikal.

“Lalo na with Sanya, Sanya is very dear to me, she’s very close to me.” Nagkasama na sina Shyr at Sanya sa GMA series na Cain At Abel noong 2018.

“Maganda yung pagsasama namin kaya ang hirap na iismiran ko siya sa mga eksena kasi in reality pag magkasama kami mag-aakapan kami ng batang yan, e.

“So  dito sa First Lady it’s a little bit challenging pero masaya, masaya siyang gawin,” wika pa ni Shyr.