Advertisers

Advertisers

Coleen umamin, ‘di na marunong umakting nang mapokus sa pagiging ina at misis

0 382

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

NANIBAGO sa pagharap sa kamera si Coleen Garcia sa comeback project nito with Mark Anthony Fernandez, JC Santos at Diego Loyzaga.

Nang ikasal ito at magka-baby at nagkaroon pa ng pandemic kaya natagalan si Coleen sa pagbabalik-akting.



Pansin lang ng dyowa ni Billy Crawford ay tila ‘di na raw siya marunong umarte sa harap ng kamera.

Nalimutan na anya niya kung paano i-express ang emotion at kung paano magalit.

As in nakalimutan na niya talaga at buti na nga lang daw at inaalalayan siya ng kanilang direktor at kasamahan.

Tumutok nga raw kasi si Coleen sa kanyang pamilya– sa pagiging ina kay Amari at misis ni Billy.

Wala naman daw itong ginawa sa buhay niya sa  pandemya kundi magluto at magpalit ng diapers.



***

Jessy at Luis salitan sa pagbabayad sa kanilang date

SA latest vlog ng couple na Jessy Mendiola at Luis Manzano, ibinahagi nila ang sagot ng isang netizen na kung okey lang ba kung girl naman ang sumagot sa kanilang date.

Isa pang kuwestyon eh kung dapat bang malaman ng partner ang password nila sa isa’t isa sa socmed.

Agad sinagot ni Luis ang unang tanong kung oks lang ba kung babae naman ang taya sa date.

Ayon kay Luis, wala naman daw problema kung girl ang sasagot ng date lalo na kung paminsan-minsan lang naman.

Tutal naman daw nagmamahalan ang magsing irog parang walang nakikitang masama si Luis at Jessy sa bayaran isyu sa date.

Sa pag-amin ni Jessy na siya rin ay nagpe-paysung sa date nila ni Luis lalo na nga raw ngayon na mag-asawa na sila at kung ano meron si Jessy ay parang kay Luis na rin.

Sa password sa socmed kung kailangan malaman ng bawa’t isa dapat lang daw lalo na at wala kayong lihiman.

Well, well, well…’Yun na!