Advertisers

Advertisers

Lacson bet iboto ng mga magsasaka

0 258

Advertisers

SI Senador Ping Lacson ang nais ng mga magsasaka na manalo sa darating na halalan.

Si Ping lang umano ang kayang manindigan bilang pangulo sa susunod na anim na taon.

“Walang kurapsiyon, kasi, hindi nga siya tumatanggap ng pork barrel na kung saan-saan lang naman nauuwi,” sabi ng magsasakang taga-Nueva Ecija na si Romy.



“Corruption talaga ang rason ng kahirapan. Sana, magkaroon ng pagbabago, malaking pagbabago, mapansin naman sana ang sigaw naming mga magsasaka. Kami ang nagtatanim ng palay, pero kami pa ang nagugutom,” sabi nito.

Sey namang ng kolumnistang si Cristy Fermin, nagkakaisa raw ang kanyang mga pinsan at kaibigan sa opinyon na sana’y layuan ng ating mga kababayan ang kanilang tingin sa darating na botohan.

Aniya, anim na taon ang pinag-uusapan sa halalang ito, napakahabang panahon na kailangang isalba sa corruption, kailangan ng pulitikong may positibong pangarap para sa ating bayang api at mga kamay na tatayo sa ating harapan para masilip ang bagong umaga. (BKC)