Advertisers
Ni BETH GELENA
SINORPRESA nina Piolo Pascual at Vhong Navarro ang birthday celebrant na si Lovi Poe.
Guest sa Magandang Buhay nitong Friday ang birthday girl.
Via video call, unang bumati ay ang kaibigang si Alessandra de Rossi.
Ani Lovi sa birthday message ng kaibigan, “Alex, sobrang thankful talaga ako sa friendship natin… ang tagal na. Pero ‘yun nga sabi ko sometimes may mga moment na parang we get so busy na we forget to really reach out sa isa’t isa. Pero alam mo ‘yung kapag mag-usap parang not a day gone by.”
Isa rin ang It’s Showtime host-comedian actor na nakasama niya sa pelikulang Woke Up Like This nu’ng 2017 ang bumati sa kanya.
“Si Vhong, source of happiness, source of joy. Kasi sa set kung gaano siya ka-funny on screen, eh i-times 20 mo ‘yon in real life. Sobrang thankful ako at nagpapasalamat ako nagkaroon ako ng opportunity na makatrabaho siya. And hopefully, yes, please soon ay magkatrabaho tayo ulit, please,” ani Poe.
Syempre, bumati rin ang leading man niya ss Pinoy adaptation, ang Korean series na Flower of Evil.
Ayon sa bagong Kapamilya actress, isang pangarap niya ang natupad na maging leading man ang actor.
“Sobrang dream come true na makasama ko siya sa isang teleserye. Kaya sa aking mga Kapamilya, Dreamscape, ABS-CBN, thank you so much for giving me the chance to work with Papa P at talagang grateful ako dahil napakabuti niyang tao, napakamaalaga niya sa set at ang hirap-hirap niyang titigan. Kasi five seconds biglang kailangan mong mag-look away, mahirap siyang gawin,” mahabang sabi ni Lovi.
“But thank you, kasi mahirap para sa akin kasi it’s my first teleserye bilang isang Kapamilya. Thank you so much for making it so easy for me. And I am glad na ikaw ang nakasama ko, I am so lucky. Thank you,” dagdag ng aktres.
Mas lalong nasorpresa si Lovi nang marinig sa video ang message ng boyfriend na si Monty Blencowe.
Teary eyed si Lovi habang nagbibigay ng mensahe sa boyfriend.
“Thanks you’d been so amazing to me. I’ve never seen anyone or met anyone who wants to see me succeed. Talagang alam mong suwerte ka sa buhay kapag may nakilala kang tao na who will lift you up and wants to see you shine. So I am very grateful to have you, Bubba. And, yes I want to see you soon.”
Very thankful at grateful si Lovi sa Kapamilya dahil pinaglaanan daw talaga ng network ang kanyang kaarawan.
Pinasalamatan din niya ang mga hosts ng MB — Melai Cantiveros, Jolina Magdangal at Regine Velasquez-Alcasid dahil nakatutok lang sa kanya ang buong oras ng programa.
***
Sey mo Heart
ANNE CURTIS LEGIT FASHION ICON
MARAMI na talaga ang naghihintay na muling mapanood si Anne Curtis sa big or small screen.
Kaya naman nang i-launch ang teaser ng kanyang upcoming project, sana raw ay hindi magkaroon ng aberya.
“Wow! Iba ka Anne!”
Hinulaan pa ng netizens kung isa raw bang endorsement or show ang teaser na nakapost sa IG account ng aktres
“Red Mic? The Voice?”
“Antaray! Bet ko ang dominatrix black & white concept. Madaming nagsasabi baka concert, or endorsing the videoke product. Di kaya pang Vogue? Or baka talk show kasi may mic”
“Aww! I miss watching her.❤️”
“How i wish balik sya sa showtime and alisin na ung isa.”
“yess i miss her in showtime, ang dami pwede alisin na host sa showtime kapalit ni anne, at least si anne mukha pa lang at makita fashion style niya everyday maganda na araw ko. lol”
“Wow iba talaga umawra si anne 🙂 i think digital concert ito :)”
“Siya yung tunay na ultimate multimedia artist for me. Maraming box office movie at may soldout concert pa”
“Sources said that Anne will be the first cover girl of Vogue Philippines.”
“Legit fashionista”
Hala, ano kaya ang masasabi ni Heart Evangelista sa huling komento na ito?
***
NADINE KATUWANG ANG BF NAGPAKAIN SA SIARGAO
MAGKATUWANG na nag-feeding progŕam ang magdyowang Nadine Lustre at Christophe Bariou sa Siargao.
Sa pinadalang larawan ni @alwaysjdn sa social media, “Nadine Lustre nanhatag ug pagkain diri sa Brgy Candad @Aimee Magallanes Dulpina Camingue.”
“#feedingprogram salamat sa imo nadine sa pa feeding dako namo na pasalamat stay safe and god bless you”
Napansin ng netizens na nasa tabi ng aktres ang boyfriend.
“Lakas ng dating ng mabait na lalaki. So happy
“Ang gaan ng aura ni nadine ngayon”
“Nagugustuhan ko kinikilos ni Nadine lately. Feeling ko, mas ito siya. Dati kasi, parang pinipilit niyang mag fit in sa circle of friends ni J”
“Mas gusto ko ung ganitong nadine. Kesa ung todo muk ap at awra”
“Super bait ng bf ni Nadz. Magkasama sila ng friend ko during the typhoon and he really helped to make everyone in the room safe.”
Puring puri naman ng netizens si Chŕistophe para sa aktres.
“He is the perfect match for Nadine. Decent, mature and a responsible MAN. I really hope it’s for keeps. They are really great. TWOgether.”
“Nag upgrade na si Nadine ng jowa! He’s so much better in all aspects kesa kay ex! Congrats ghorl, you dodged a bullet!”