Advertisers

Advertisers

Plataporma ng LUNAS, aprub sa Bulacan!

0 322

Advertisers

Umani ng suporta mula sa mga mambabatas sa Bulacan ang layunin ng LUNAS partylist na isulong ang kapakanan at bigyan ng mga benepisyo sa ilalim ng batas ang mga ‘no-work, no-pay’ workers at freelancers.

Sina Congressman “Kuya” Jose Antonio Sy-Alvarado (1st District, Bulacan) at Gavini “Apol” Pancho (2nd district, Bulacan) ang ilan sa nagpahayag ng suporta sa plataporma ng LUNAS partylist, dahil aniya ay dapat bigyang proteksyon din ang mga ‘no-work, no-pay’ na mga manggagawa na siyang mga unang nawawalan ng kita kapag may mga lockdowns.

Todo-suporta rin sina Congresswomen Lorna Silverio (3rd diartrict, Bulacan) at Rida Robes (San Jose Del Monte, Bulacan) sa layunin ng LUNAS partylist.



Ayon sa kanila, maraming mga food servers, manicurista, hairstylists, tindera, food delivery at courier riders sa Bulacan, Metro Manila at iba pang parte sa bansa ang makikinabang kapag naisabatas ang pagbibigay proteksyon at benepisyo sa mga ‘no-work, no-pay’ workers.

“Pinag-aaralang mabuti ng LUNAS ang mga bills na maaring pagtibayin at bigyang-ngipin pa para mapangalagaan ang mga kapakanan ng mga ‘no-work, no-pay’ at nang sa gayon ay maisulong ang mga ito sa susunod na Kongreso,” ayon kay LUNAS partylist nominee Brian Raymund Yamsuan.

“Kailangang handa na tayo para saklolohan ang mga ‘no-work, no-pay’ nating mga kababayan kapag nagkaroon muli ng mga emergency o lockdown,” dagdag pa ni Yamsuan.

Ang LUNAS Partylist ay numero 58 sa balota sa darating na eleksyon sa Mayo.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">