Advertisers
UMAPAW na ang salop ng 500 pamilyang mahihirap sa Quezon City laban kay Representative Alfred Vargas dahil hindi natupad ang proyektong ‘Pabahay at Palupa’ ng mambabatas.
Labis-labis ang galit at pagkadismaya ng mga residente, sapagkat anim na taon ang lumipas mula nang magbayad sila para sa programa ni Vargas, ngunit hindi nila nakamit ang inaasahang lupa at bahay.
Kapag inyong makita at titigan ay hindi kayo magdadalawang-isip na sabihing “napakapogi” ni Vargas, subalit napakapangit ang ginawa ng kanyang tanggapan bilang kongresista laban sa mga mahihirap na residente ng Quezon City.
Pokaragat na ‘yan!
Kaya, nagsampa sila ng kasong kriminal sa Office of the Ombudsman (OMB) laban kay Rep. Vargas dahil sa paglabag umano nito sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Sinampahan din si Vargas ng kasong administratibo bunga ng pagpapakita ng “grave miscond” at “act prejudicial to the best interest of the service”.
Sa pamamagitan ni Atty. Rhodora Corpuz, inihabla si Vargas ng 500 pamilya nitong Miyerkules sa OMB bitbit ang solidong mga ebidensya laban sa mambabatas.
Pokaragat na ‘ yan!
Naganap ito matapos isapubliko ni Konsehal Allan Francisco sa kanyang privilege speech sa Sangguniang Panglunsod nitong Pebrero 14, Lunes ang napakasamang sinapit ng 500 pamilya sa prograng Pabahay at Palupa ng opisina ni Vargas.
Ayon kay Francisco, mula P10,000 hanggang P40,000 ang ibinayad ng mga residente na nagdimula pa noong 2016.
Pokaragat na ‘yan!
Walang dudang pinaghirapan at ginawan ng 500 pamilya ang kanilang ibinayad dahil sa naniniwala sila sa magandang pangako ng programa ni Vargas.
Ikalawang termino na ni Vargas noong 2016.
Idiniin ni Francisco na naloko ng programa ni Vargas dahil hindi ito naganap matapos ang ang anim na taon.
Ipinunto pa ng konsehal na “peke” ang programa ni Rep. Alfred Vargas walang mga totoo at ligal na dokumentong magpapatotoo ng nasabing programa, kanbilang ang Socialized Housing and Finance Corporation (SHFC).
“They (500 families) were swindled and defrauded!”, ng programang Pabahay at Palupa ni Vargas, bigwas ni Francisco.
Itinanggi ng kapatid ni Vargas na si Konsehal Patrick Vargas ang paratang laban sa kongresista.
Namumulitika lang daw ang konsehal.
Hindi ba’t matatapos na ang ikatlong termino ni Rep. Vargas sa Hunyo 30 ng kasalukuyang taon.
Nalimutan ba ni Patrick ang katotogang ito?
Kaya, anong batayan ng kanyang katwirang namumulitika si Konsehal Francisco?!