Sosyal… Arci kumanta at rumampa sa NY Fashion Week; Rayver at Janine ‘di pa maamin ang mga bagong labs na sina Julie Anne at Paulo
Advertisers
Ni WALLY PERALTA
KUNG may isa mang StarStruck Batch 3 female avengers na super happy ngayon sa kanyang karir, ito ay si Arci Munoz.
Noong sumasabak palang si Arci sa StarStruck ay natanong sa kanya kung ano pa ang ang pangarap niyang maging bukod sa pagiging artista? Say noon ni Arci na type niya rin maging ramp model. And it takes years bago natupad ang pangarap na ito ni Arci, but then hindi lang sa local runway siya rumampa kundi sa New York Fashion Week runway lang naman.
Kaya ganun na lang ang kaligayahan ni Arci dahil sa itinuturing niya itong isang bagong milestone sa kanyang karir at katuparan ng isang pangarap.
Hindi naman itinago ni Arci ang kaligayahan, ipinost ng aktres ang mga larawan at videos na makikita na nasa runway siya habang kumankanta pa ng ‘Sweet Child Of Mine’ na ikinasiya ng mga naroroon at nanonood sa fashion event.
“Maaaa! @mommychooky look! Your daughter rocking ze New York fashion week runway!
Girl, you’re meant for greater things! Remember that!”, saad ni Arci sa kanyang caption.
***
KITANG-kita sa aura nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz ang kasiyahan sa tuwing magkasama sila. Kaya madalas na maging tampulan sila ng tukso ng mga Kapusong kasamahan nila lalo na sa programang ‘All Out Sunday’ na magkasama sila.
Marami na rin sa malalapit sa dalawa ang nagsasabing ‘item’ na nga sina Rayver at Julie Anne, as in magsyota na sila. Lalo naman lumakas ang tsika sa kanila nang minsang magsalita at ipagtanggol ni Rayver si Julie Anne sa mga bashers na nagsasabing third party ito sa hiwalayan nila ni Janine Gutierrez.
“Kinaklaro ko po na there was no third party involved specially from my end,” say ni Rayver.
Dagdag pa sa umiingay na lihim na relasyon nina Rayver at Julie Anne nang i-unfollow ni Janine si Julie Anne sa kanyang social media account.
Samantala, kung anong ‘ingay’ sa relasyon umano nina Julie Anne at Rayver ay siya naman tahimik ng lihim ding relasyon nina Janine at Paulo Avelino, lalo nang matapos na ang seryeng unang pinagbidahan nila sa Kapamilya Channel, ang “Marry Me, Marry You”.
Kamakailan lang ay naispatan sina Janine at Paulo na magkasama sa isang bangka para sa isang tila date sa Palawan kasama ang magsyotang sina Edu Manzano at Cherry Pie Picache.
Say nga ng isang netizen, ang saya-saya raw ng mga lovebirds.
Sino kaya kina Rayver at Janine ang unang aamin sa tunay na relasyon nila sa bagong kapareha sa tunay na buhay?