Jake na-bash nang ipakita sa publiko ang topless photo sa socmed; Erpat ni James nagalit sa nagpapakalat ng fake news
Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
AFTER 5 years mula nung sumailalim sa breast removal surgery ay walang takot na ipinost ni Jake Zyrus sa kanyang Instagram account ang topless na picture niya para ipakita ang resulta ng kanyang operasyon.
Sabi niya sa kanyang post,”Pinag-isipan kong maigi kung ipo-post ko ba ‘to. Kasi lagi kong iniisip kung anong sasabihin ng ibang tao.
“Sa ilang taon na nag-transition ako, masaya ako sa naging takbo ng buhay ko, pero lagi pa rin akong nai-insecure sa katawan ko. Siguro dahil na rin sa standard ng karamihan,” umpisang paliwanag ni Jake tungkol sa desisyon niyang ibahagi sa publiko ang kanyang larawan.
“Pero ngayon, palalayain ko na lahat yun. Pagtawanan mo o hindi, hindi mo alam ang sakit, iyak at mga dugo na pinagdaanan ko bago ako nagkaroon ng confidence na buong-buo ko i-post ito.
“Masaya ako at gusto ko lang ipakita sa inyo na eto ako. Sa wakas, komportable sa nakikita ko. Hindi ako humihingi ng opinyon. Para ito sa mga kapwa ko transgender.
“Kung naghahanap kayo ng sign o confidence para ipakita at maging proud sa kung sino ka, tara sasabayan kita. Para sa’yo ‘to.
“Kung hindi ka man handa pa, okay lang din ‘yun. Lahat ‘yan may tamang panahon. Well. This is me guys. Mahal ko kayong lahat.”
Sari-sari ang reaksyon ng mga netizen nang makita ang topless picture ni Jake.
Sabi ng isa “Charice mag bra ka malaki pa s*so mo hindi pa flat katulad ng iba na tomboy na nagpaopera.”
Sabi naman ng isa,“Babae kapa rin ang iyong s*su ay nakaukwab pa rin, sagwa tuloy tignan.”
Reaksyon naman ng isa pa,“Nakakaasiwa yong dede hugis babae pa din.”
“100% babae ka parin, kasi ur born bilang babae ang Ganda ng buhay na ipinagkaloob ng Panginoon sau, bat MO sinira??? Pati talent u super sikat bat anu na kain u idol ka ng buong Pilipinas pero sinayang moooo why???? Ang laking kasalanan mo sa taas nyan Kay LORD… Tsakkkkkk,” mahabang reaksyon ng isa pa
Pero may isa namang nagtanggol kay Jake. Sabi nitoa ay huwag na lang patulan at dedmahin na lang nito ang pambabatikos ng bashers.
***
GALIT ang tatay ni James Reid na si Malcolm Reid sa mga nagsasabing kaya umalis ng bansa ang anak niya ay para makipagsapalaran sa kanyang international singing career na hindi nag-prosper dito sa Pilipinas.
Nag-post ito ng larawan sa Instagram na magkasama sila ni James na kuha noong ihatid niya ang anak sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nu’ng gabing umalis ito patungong Amerika.
Ang caption ni @malreid1, “With James at NAIA a few days ago. On his way to LA for recording sessions and to visit his brother Andrew. That’s it. Anything else is basura … sorry to disappoint the fake newsmakers.”
O di ba, tinawag ng daddy ni James na basura ang mga nagpapakalat ng maling balita?