Nadine nagpakain sa mga kababayan sa Siargao; Bea bagets ang peg ng dyowang si Dominic kaya inisnab noon
Advertisers
Ni JOVI LLOZA
SPOTTED si Nadine Lustre ng isang netizen na natuwa sa ginagawang kabutihan ng aktres.
Marami raw napa-wow sa pagpapakain ni Nadine sa kanyang mga kababayan sa Siargao.
Ilang buwan na ang nakalipas nang tamaan ang Siargao ng super typhoon Odette.
Till now kasi ay ‘di pa nakaka-recover ang Siargao. Nung umuwi nga sa Siargao sina Nadine at bf na si Christopher Barriu ay nagsimula ito ng isang project para makatulong sa kanilang mga kababayan.
Kaya bumuo ito ng feeding program na nagpakain sa mga biktima ng bagyo.
Naispatan si Nadine sa Caridad Del Pilar, Surigao Del Norte na naglalagay ng pagkain para ipamigay.
Umani naman ng papuri ang aktres mula sa mga netizen dahil sa kabutihang loob nito.
Proud bf naman si Christopher sa pagtulong ng kanyang gf.
***
SA vlog ni Bea Alonzo kasama ang bf na si Dominic Roque, ikinuwento nito kung paano nagsimula ang kanilang lovelife.
Inamin ni Dom na crush na niya noon pang 2016 si Bea pero ‘di naman daw siya nag-expect.
Hanggang nagkakilala at never daw ini-entertain ni Bea ang panliligaw ng binata.
Inisip kasi nito na baka magmukhang ate siya ni Dominic.
7 to 8 years daw ang nakikita nitong tanda niya kay Dominic. Ganun ka-bagets ang peg ni Dominic.
Lovable at likeable ang datingan ni Dominic kaya naman nahulog na rin daw dito ang loob ni Bea.
Pag-amin pa ng aktres na mukha lang daw talagang sanggol ang dating ni Dominic.
Well, well, well…’Yun na!