Advertisers

Advertisers

Ice insekyur sa machong katawan ni Jake kaya gagayahin?

0 411

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

NAINSEKYUR nga ba si Ice Seguerra sa pinakitang lakas ng loob ng kapwa niya singer at transgender na si Jake Zyrus  sa publiko sa pamamagitan ng topless photo na tila naghuhumiyaw sa pagsasabing, ‘look at me people, im a man now’.

Keber na nga si Jake sa sasabihin ng tao sa kanya, ang importante ay ang kanyang saloobin at kasiyahan. May isang basher na nagkomento sa naturang larawan na topless si Jake na nagsasabing kinabog na niya si Ice.



May nagkomento rin na insekyur na raw si Ice sa kamachohan ngayon ni Jake.

Sa ginanap na on site presscon ng  Film Ambassadors Night, ang taunang proyekto ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa pamumuno ni USEC Liza Dino-Seguerra, kinuha ng entertainment press ang saloobin ng partner ni Usec Liza hinggil dito.

Ayon kay Usec Liza, contrary sa mga bash kay Ice, super happy raw ang kanyang love of my life sa paglantad ni Jake ng kanyang tunay na katauhan. Isa raw itong inspirasyon sa lahat ng kanilang kafederasyon na walang takot na ipakita sa publiko ang kanilang tunay na kasarian, a transgender man.

Okey din kina kay Usec Liza at Ice na magpa-transman na rin ang huli tulad ni Jake na nagpatapyas ng dibdib?

Dagdag ni Usec Liza, matagal na nilang pinag-usapan ang bagay na iyon bago pa man mag-post si Jake. All out support si Usec Liza sa kagustuhan ni Ice na maging transman.



Sa katunayan pa nga ay sabay pa silang naghahanap o kumukonsulta ng mga espeyalista para sa pangarap na operasyon na ito ni Ice.

***

FILM AMBASSADORS NIGHT NG FDCP, GAGANAPIN SA BAGONG BUKAS NA MET THEATER

SA darating na Feb. 27 ay muling idaraos ang taunang pagbibigay ng parangal para sa mga pelikula at personalidad na nagbigay ng level up na perfomance at movies, as in pwedeng ipanlaban nang sabayan sa mga international film.

Ngayong taon ay kabilang sina John Arcilla, Vice Ganda, Carrot Man, Janice de Belen, Elijah Canlas, Janine Gutierrez, at Snooky Serna sa mga pararangalan sa 6th Film Ambassadors’ Night o FAN sa Pebrero 27, 2022, Linggo sa makasaysayang Manila Metropolitan Theater. Ang kakaiba lang ay hindi ito open sa public tulad ng mga nakaraang FAN awards dahil ayaw ng FDCP na magkaroon ng aberya  kaya masugid nilang sinunod ang health protocol. Bukod tanging mga honorarees lang ang invited sa naturang event.

“It’s another year’s worth of victories with the best of the best Filipino films being recognized around the world, highlighting our cultural heritage in cinema over the years.  As we have continued to reach altitudes on the global stage, we applaud each filmmaker who shared his or her talent, creativity, and passion to the world. We created this night to celebrate you,” say ni FDCP Chairperson and CEO Liza Diño.

Narito ang partial list ng mga pararangalan ng FDCP sa iba’t ibang kategorya FAN 2022:

CREATIVE AWARDS

  1. Eric Ramos for ‘In The Name Of The Mother’
  2. Arlyn de la Cruz Bernal for ECQ Diary ‘Bawal Lumabas’

ACTORS

  1. Rogelio Balagtas for ‘Islands’
  2. Kit Thompson for ‘Belle Douleur’
  3. Elijah Canlas for ‘Kalel,15’
  4. Snooky Serna for ‘In The Name Of The Mother’
  5. Julio Cesar Sabenorio for ‘Guerrero Dos, Tuloy Ang Laban’
  6. Janine Gutierrez for ‘Dito At Doon (Here And There)’