Advertisers

Advertisers

Isabel, Samantha at Francine, hirap apihin si Sanya

0 526

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

BAGONG  dagdag sa cast members ng First Lady sina Samantha Lopez, Isabel Rivas, Francine Prieto at Shyr Valdez.

“Bago” dahil hindi sila kasali sa First Yaya na umere last year at programang “pinagmulan” ng First Lady na serye na umeere ngayon sa GMA.



Gaganap bilang kontrabida ang apat; former first ladies sina Samantha (bilang Ambrocia Bolivar), Isabel (bilang Allegra Trinidad), Francine (bilang Soledad Cortez) at si Shyr naman bilang beteranang household staff na si Sioning.

Silang apat ang baguhang karakter na magmamaldita sa First Lady na si Melody Reyes-Acosta (na ginagampanan ni Sanya Lopez) na asawa naman ng Presidente ng Pilipinas na si Glenn Acosta (portrayed by Gabby Concepcion).

Tinanong namin sina Samantha, Isabel at Francine kung ano ang challenge sa mga karakter nila sa naturang serye ng GMA?

“Ang number one challenge ko na api-apihin si Sanya ay talagang mahirap siyang apihin kasi napakabait, napaka-sweet, walang kaere-ere, walang ka-diva-diva, whatever sa katawan.

“So para apihin mo siya, parang nag-aapi ka ng isang baby, ng virgin, so yun ang for me ang isa sa challenge.



“But rapport-wise, kasi kaming tatlo [nina Isabel at Francine] ang ganda ng timing namin, for some reason nagsu-swak yung mga tono, siguro dahil of course, sa direksyon na rin ng ating batikan at magaling na direktor.

“So so far iyon ang challenge ko na apihin yung ating First Yaya now First Lady,”  pahayag ni Samantha.

***

SUMANG-ayon naman si Isabel sa mga sinabi ni Samantha tungkol kay Sanya.

“Mahirap siyang apihin kasi mabait siya in real life, in person, and even her character. But siyempre, we have to add to that sparkle, na kailangan siyang ganunin.

“So nakakatuwa kasi ang dali-dali niyang pakisamahan, ang bilis-bilis niyang mapaiyak, ang bilis-bilis niyang maapektuhan, so it’s really an enjoyment for me, I’m enjoying myself so much working with her and the full cast and the production team.”

***

SUMANG-ayon din si Francine sa mga sinabi ni Samantha tungkol sa rapport nilang tatlong first ladies sa serye.

“Well, unang-una yung vibe naming tatlo as former first ladies sobrang okay kaming tatlo agad-agad. Even on the first day pa lang.

“And of course yung creative team namin na maang ganda ng mga lines namin, ng mga batuhan namin, ang ganda rin ng story ng mga former first ladies.

“And of course with the guidance ng aming mga direktor kaya gumaganda pa lalo yung mga characters po namin, so sobrang exciting siya.”

Sina LA Madridejos at Rechie del Carmen ang mga direktor ng First Lady.