Coleen proud ‘padede’ mom kaya isinama ang anak sa lock-in shoot; Meg nilait nang magbikini, rumesbak sa basher
Advertisers
Ni JOVI LLOZA
HINDI na nga nag-aalala ngayon si Coleen Garcia para sa kanyang anak na si Amari dahil isinama niya ito sa lock-in shooting sa comeback movie nito.
At least nga raw ay napupunan nito ang pangangailangan ng anak.
Kaya no worries na ito dahil bring niya ang anak sa shooting. Pag-amin ni Coleen na ‘di naman niya dinadala sa set ng kanilang shooting si Baby Amari.
Naka-stay nga lang daw ito sa hotel na tinutuluyan ng buong cast at staff ng Adarna Gang.
Natuwa pa nga si Coleen dahil maaga sila napa-pack up kaya naman natutukan pa niya ang anak.
Happy si Coleen dahil ang location ng kanilang film ay Covid-free kaya naman nadala nito ang anak nila ni Billy Crawford.
Alam ng nasa set ng film na full time mom si Coleen mula nang ipanganak si Baby Amari nung September 2020.
Breastfeeding kasi ang anak nila ni Billy kaya need na masubaybayan ni Coleen ang anak.
Proud naman sina Coleen at Billy sa pagiging padede mom ng aktres at kita naman daw ang resulta, healthy baby si Amari.
***
SA isang video post ni Meg Imperial sa isang beach ay naka-two piece ang aktres.
May isang mahaderang basher ang tila nangati ang kamay at pinuna ang video post ni Meg sa kanyang socmed account.
Sa puna ng basher ay inokray nito ang aktres at sinabi na mas malaki pa ang balikat ni Meg kaysa balakang.
Poise at kalma lang na sinagot ni Meg ang basher na simpleng resbak lang pero may pahaging ‘and your point.’
Maang-maangan pa ang basher na patay malisya at sumagot pa ng ‘what?’
Dinagsa naman ng netizens ang basher.
Ibinalik sa kanya ang pangba-bash ng netizens.
As in ipinagtanggol si Meg ng netizens kaya bigla na lang dinelete ang nasabing comment na pang-ookray kay Meg.
Wag nga raw ganun dahil ‘di naman daw ikayayaman ng bashers ang kanyang panglalait kay Meg.
Well, well, well…’Yun na!.