Advertisers

Advertisers

Datos ng DOH kasinungalingan?

0 1,633

Advertisers

PUSPUSAN ang pagkakampanya ng gobyerno sa pamamagitan ng DEPARTMENT OF HEALTH (DOH) sa pagdedeklarang SAFE AND EFFECTIVE at walang namamatay sa COVID VACCINES.., subalit kasinungalingan umano ang mga datos na inilalabas ng ahensiya ayon sa akusasyon ng ilang mga HEALTH EXPERT sa ating bansa.

“Tingnan mo yung website ng DOH, sabi sa bakuna website nila, laging sinasabi na zero deaths. Kasinungalinan yon, malaking kasinungalinan yon at alam natin ang daming nagrereport,” pagdidiin ni DR. BENIGNO “IGGY” AGBAYANI JR, CO-FOUNDER CONCERNED DOCTORS AND CITIZENS OF THE PHILIPPINES.

Ipinunto ni DR. AGBAYANI, na ang sinasabi ng DOH na ZERO DEATHS ang record sa mga nabakunahan ng ANTI-COVID ay hindi totoo dahil sa kanilang tanggapan ay napakaraming nagrereport na mga nabibiktima ng bakuna bukod pa sa mga nagkalat na SOCIAL.MEDIA POSTS na testimonial evidence ng mga pami-pamilya ay huwag balewalain at akusahang gawagawa lamang.



“Sa totoo lang sa medicine na pinaka malaking batayan ng doctor para i assess yung health condition ng pasyente.., ay yung kwento ng pasyente mismo.., eh bakit binabalewala nila ngayon yung kwento ng pasyente sa masamang epekto ng bakuna samantalang malaking batayan yan sa practice of medicine,” paghahayag ni DR. AGBAYANI.

Nitong nagdaang taon, nang pasimulan ang ANTI-COVID VACCINATION PROGRAM ay maraming mamamayan ang ayaw at ang iba ay atubiling magpabakuna dahil mismong DOH ay nagpahayag na CLINICAL TRIALS o EXPERIMENTATIONS pa lamang ang mga COVID VACCINES na binigyan ng EMERGENCY USE AUTHORITY (EUA) ng FOOD AND DRUG ADMINISTRATION (FDA).., na bagama’t sinasabing walang mandatory ay pamumuwersa naman ang mga polisiyang ipinairal tulad ng NO VACCINE NO ENTRY o NO VACCINE NO WORK at ngayon ay inoobliga na ng DOH na ang lahat ng mga bata ay magpabakuna upang sila ay makapagpatuloy sa pag-aaral. Tinututulan ito ng maraming mga magulang at ng ilang mga HEALTH EXPERT.

Inihayag naman ni TOXICOLOGIST & HEALTH ACTIVIST DR. ROMEO QUIJANO na ang mga magulang ay may karapatang ipabakuna ang kanilang mga anak na kailangang mabigyan sila ng CORRECT INFORMATION at mayroong totoong INFORM CONSENT sa kung ano ang benrpisyo at kung ano ang maaaring sapiting negatibo na idudulot ng COVID VACCINES.

“Eh wala eh.., so they have not really exercise yung right to choose para sa kanilang anak because they were given the wrong information, have they known na talagang maaaring makamatay yan, have they known na maaaring maging ganito ang chances na maaaring madisgrasya yan? Ay sino ba namang magulang ang ipapahamak ang kaniyang anak?” saad ni DR. QUIJANO.

Gayunman, hindi ito ginagawa ng DOH at sa halip ang kampanya nila ay SAFE & EFFECTIVE at walang.maidudulot na masama ang bakuna.., na ang kampanyang ito ay katuwang ang MAIN STREAM MEDIA lalo na ang mga TV NETWORK sa pang-eengganyong magpabakuna ang lahat.



“Pinapalabas araw-araw, kung titignan niyo po, araw-araw makikita niyo sa mga advertisement na sinasabi na.., oh kita niyo, walang nangyare sa’kin, ako’y nabakunahan.., dapat may katapat din yon.., oh kita niyo, may nangyayare, ganon ba ang ating gobyerno? Patas ba sila sa pagpresenta ng ano…? Hindi po…, sasabihin pa sa isang advertisement, magpabakuna ka na para makapag trabaho ka. Teka muna, wala namang kinalaman yung trabaho ko sa pagbabakuna. Karapatan natin mag trabaho. Sa palagay ko, malaking bagay na idirect ang ating gobyerno o Department of Health na maging patas sa pag-presenta ng mga datos.., kasi ganon po ang trustworthy, honest presentation.., pag hindi po tayo honest, bat kami magtitiwala..,” paglalahad ni DR. AGBAYANI.

Totoo nga naman, lalo na sa mga MEDIA FORUM at sa mga TV APPEARANCES ni DOH UNDERSECRETARY ROSARIO VERGEIRE ay lagi nitong sinasabi na SAFE & EFFECTIVE ang COVID VACCINES dahil aprubado ng FDA.

“Ay hindi po, sorry.., sorry USec Vergeire, pero parang sinampal na nga ho kayo ng WHO noon eh na sinabi sa inyo, etong programa na to using the old vaccines ay hindi na effective at sustainable dahil hindi na ito umeepekto sa mga bagong variant tapos sinasabi niyo wala kayong ibang programa other than vaccination with this old vaccines,” saad naman ni PUBLIC ATTORNEYS OFFICE (PAO) FORENSIC EXPERT DR. ERWIN ERFE.

Naku.., ikinokonsiderang old vaccines na pala ng WHO ang ginagamit ng ating bansa.., hindi na effective at sustainable na panlaban sa mga bagong variant.., sooomalosep!

“Alam mo, kung ako po ang legal adviser ng DOH.., patitigil ko muna yan eh bilang kortesiya sa husgado.., eh may T.R.O na pong hinihingi yung mga magulang eh.., tira pa rin kayo nang tira eh.., o gusto niyo po sigurong ma-contempt pa kayo?” pagdidiin ni PAO CHIEF ATTY. PERSIDA ACOSTA na umaasiste sa mga magulang na ayaw pabakunahan ang kanilang mga anak.

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.