Advertisers

Advertisers

Andi at pamilya balik-Siargao matapos ang bagyo; FDCP chair Liza haharapin ang pagbubuntis sa anak nila ni Ice sa pagbaba sa pwesto

0 298

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

MULING nakaharap ni Film Development Council  of the Philppines Chairpeson Liza Dino-Seguerra ang entertainment press sa online media conference  para sa gaganaping 6th Film Ambassador`s Night na magaganap sa Linggo (Feb. 27) sa Metropolitan Theater, Manila.

Bakas ang excitement ni Chair Liza sa muling pagharap sa mga kaibigang entertainment press. Dahil na rin sa pandemya kaya lagi na lang sa Zoom conference namin siya nakakaharap at nakakausap.



Nagbabalik ang selebrasyon ng 2022  Film Ambassador`s  Night bilang isang exclusice in person event para sa mga honorees na magaganap nga sa Sunday

Ang taunang selebrasyon ay gabi ng pagtitipon at pagdiriwang ng mga film workers at artista magmula pa noong 2016, sa pakikipagtulungan ng National Commission for Culture and Arts (NCAA).

Sa Zoom presscon ay inihayag ni Chair Liza ang mga pangalan ng mga gagawaran ng special awards, tulad ng Camera Obscura Artist Excellence Award  para sa bidang actor ng On The Job: The Missing 8 na si John Arcilla at ang Gabay ng Industriya Award ay ipagkakaloob kay Rosa Rosal ( Ilaw ng Industriya Award ) at Jesse Ejercito bilang Haligi ng Industriya Award.

“It`s  our  great  pleasure to be able  to showcase some of  our  industry`s  most  esteemed, most  creative and most talented minds,” pahayag ni Chair Liza.

Pararangalan din sa Gabi ng 6th Film Ambassador`s Night ang 77 honorees na mga pelikula, filmmakers at mga actor na kinilala sa iba`t ibang  international  film festival  last year.



After ng presscon ay kinausap pa rin ng press si Chair Liza  para hingan ng rection kung buntis na ba siya dahil medyo nagkalaman ang kanyang katawan.

Kaagad na sinabi ni Chair Liza na hindi siya buntis. Medyo tumaba lang daw siya kaya nadagdagan ang timbang.

Ang pagbubuntis  daw ng baby nila ni Ice ang una niyang haharapin once she stepped down from her office. Appointee kasi si Liza ni PDDR na magtatapos na ang term ngayong taon.

Anyway, sana raw ay ma-process na ang mga kailangan  nilang gawin para makapag-in vitro fertilization na sila.

“Maron na kaming donor, di ba? Kailangan na lang magtagpo. Kailangang magtagpo nu`ng  donor  at  nu`ng  mismong…kailangan yung phase  nu`ng  process ng “IVF.”

Ang pangalang gusto raw nila ni Ice sa magiging baby nila ay gender-neural, yung puwede sa babae, puwede rin sa lalaki.

At  dalangin ni Chair n Liza na matuloy na ang pagkakaroon nila ng baby ni Ice this year.

***

JLC at painter na dyowa nag-bonding kasama si Elias

MAY post si Isabel Santos, ang rumored gilfriend ni John Lloyd Cruz na magkasama sila ng actor at anak na si Elias sa isang beach.

Hindi lang nasabi nito kung saan beach sila nagpunta at wala rin makapag-comment dahil sa, “Comment  in this post have been limited.”

Kaya hanggang tingin na lang sa photos ang followers ni Isabel at fans ni Lloydie sa Instagram. Naghihintay pa rin ang fans ng actor kung kailan niya ire-reveal si Isabel at kung kailan niya ipakikilalang kanyang special someone.

In fairness, walang nagnenega sa bagong karelasyon ni Lloydie, lalo na tahimik lang at hindi ipinagkakalat ng girl na boyfriend niya ang sikat na actor. Para bang kung sino lang ang nakakaalam ay okey na sa kanya.

Sino nga ba si Isabel Santos? Siya ay apo ng mahusay na pintor, cartonist at illustrator na si Malang Santos at anak ng mga mahuhusay ring painters na sina Soler at Mona Santos.. Isa ring painter si Isabel at art collector. Nagkataon daw na nahilig din sa pagpipinta si Lloydie kaya nagkasundo sila.

***

MATAPOS ang ilang buwang paninirahan sa Manila ay nagbalik na sa Siargao ang pamilya ni Andi Eigenmann.

Pagkatapos rumagasa ng bagyong Odette sa Isla noong December  2021 ay hindi  sila kaagad nakauwi.

“Last  series  of snaps with this concrete  jungle as  background. I know the scenic coconut  trees  will  still not be as lush and green as it used  to be, but to us, there`s just  no place like home. Stay tuned and join us  once  again, as we hit the road and make our  (long)  way back home!” post ni Andi.

Sobrang na-miss na raw ng pamilya ni Andi  ang kanilang bahay sa Siargao at kailangan na nilang ayusin ang nasira nilang bahay dahil sa sobrang pagmamahal nila sa Isla.

Nag-hit sa YouTube ang vlog nila na Happy Islanders dahil  ipinamalas ni Andi ang simpleng pamumuhay nila sa Siargao.

Hindi rin nakalimutan nina Andi at husband na si Philmar Alipayo na matulungan ang kanilang kababayan mga sa Isla, lalo na sa mga nawalan ng kabuhayan sa Siargao dahil sa pagtama ng bagyo.