Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
Hindi inasahan ni Andrea Torres na makakabiyahe siya nang maaga at matutupad ang pinapangarap na bakasyon sa US.
Sa pagbisita niya sa programang “Mars Pa More,” sinabi ni Andrea umabot din ng dalawang buwan ang kaniyang bakasyon na may kasamang trabaho sa Argentina.
Gumawa kasi ng pelikula sa naturang bansa si Andrea para sa upcoming Argentinian film na may titulong “Pasional.”
Matapos ang trabaho doon, nagkaroon na raw siya ng pagkakataon na makapamasyon at makapagbakasyon.
“Nag-work ako sa Argentina tapos pauwi nag-side trip na ako,” sabi pa ng Kapuso actress.
Pero hindi niya inasahan na magagawa niya ang pinapangarap niyang bakasyon sa US sa mismong selebrasyon doon ng Thanksgiving.
“Hindi ko akalain na makakapag-travel ako ng ganung kaaga,” saad ng aktres. “Wish ko lang sana… ang galing ng nangyari. Sabi ko, sana makapag-Amerika ako tapos ‘pag pupunta ako doon Thanksgiving.”
Ayon kay Andrea, gusto niyang pumunta sa Amerika ng Thanksgiving dahil nais niyang makatikim ng turkey [na ] mga hinahanda doon at masaya siya na nangyari iyon.
***
Si Bianca Umali naman ang magiging guest celebrity sa masayang sitcom na “Happy ToGetHer,” na pinagbibidahan ni John Lloyd Cruz.
Tunghayan ang pasilip sa sitcom at alamin kung ano ang hinihimutok na “three month rule” ni Mike (Jayson Gainza) kay Issa (Bianca). Panoorin.
Bago si Bianca, naging guest din sa sitcom si Herlene “Hipon Girl” Budol.
Ilan pa sa naging bisita sa “HappyToGetHer” sina Faith da Silva, Jasmine Curtis-Smith at Julie Anne San Jose.
***
Tampok ang viral music teacher na sintunado sa upcoming fresh at brand-new episode ng real-life drama anthology na ‘#MPK’ o ‘Magpakailanman.’
Kuwento ito ni Danieca Areglado Goc-Ong o mas kilala bilang Teacher Dan ng DanVibes.
Bata pa lang si Danieca, mahilig na siyang kumanta pero sadyang hindi nabiyayaan ng magandang boses. Kaya imbis na mangarap na maging sikat na singer, sinikap niyang maging music teacher.
Natupad naman ang kanyang pangarap na maging grade school Music, Arts, Physical Education and Health (MAPEH) teacher, pero nawalan din ng trabaho noong tumama ang COVID-19 pandemic.
Dito na siya nagsimulang mag-post ng mga sintunado pero nakakaaliw niyang music lessons.
Pero bago maging isang ganap na guro at makamit ang kanyang viral fame, marami ring pinagdaanang hirap si Danieca.
Alamin ang kanyang kuwento sa fresh at brand-new episode na “Queen of Piyok: The Danieca Areglado Goc-Ong Story,” ngayong Sabado, February 26, 8:00 p.m. sa ‘#MPK.’
Si Rita Daniela ang gaganap bilang Teacher Dan; Bahagi rin ng episode sina Tina Paner at Leandro Baldemor bilang mga magulang ni Danieca.
Kasama rin sa cast sina Luis Hontiveros, Yvette Sanchez, at Vincent Magbanua.
Ito ay sa direksyon ni Frasco Moritz, sa pananaliksik ni Angel Launo at panulat ni Benson Logronio.
***
Ngayong Linggo ay muling matuto tungkol sa science at mag-enjoy habang pinapanood ang all-new 100% fresh episode ng iBilib!
Samahan ang mga award-winning hosts na sina Chris Tiu, Kapuso comedian Roadfill Macasero at StarStruck Princess Lexi Gonzales sa kanilang ga makabuluhan at nakaaaliw na mga eksperimento!
Kaya mo bang paglahuin ang tubig sa loob lamang ng isang segundo?
Ano ang kaugnayan ng potato starch sa instant noodles?
Kaya mo bang Ilagan ang isang bagay kahit nakapikit? Panoorin sina Tanya at Saviour Ramos kung paano ito gagawin sa Bilibabol Beh Bote Nga Challenge!
Tuklasin ang mga sekreto ng Pasta Rocket, subukan ang Prove It, Bilib It challenge, tunghayan ang high school student na si Sophia dela Cruz sa Vinegar and Baking Soda experiment, alamin kung paano kikita ng pera sa pamamagitan ng plastic bottles, at marami pang iba.
Gawing makabuluhan ang inyong Sunday mornings, 9:35 sa GMA’s iBilib!