Advertisers
Ni PETER S. LEDESMA
NAKA-a-admire ang pagiging chill ni Marion Aunor sa kanyang showbiz career na steady lang. Hindi siya katulad ng ibang artist na nakikipag-kompetensya at nagmamadaling sumikat. Kumbaga alam ni Marion kung ano ang tayo niya sa movie and music industry na hindi siya nawawalan ng project.
Pagdating naman sa pagkilala sa kanyang talento bilang singer ay kaliwa’t kanang parangal na ang kanyang tinanggap dito. Samantala, ipinakita rin ni Marion ang kanyang pagiging independent at nakabukod na siya ng tirahan ngayon sa kanyang Mommy Ma’am Maribel Aunor at sister na si Ashley pero madalas pa rin naman niyang makasama ang mga ito lalo na kapag may special event.
Last month lang ay dumalo si Marion sa blessing ng bagong opisina ng kanyang Mommy Maribel para sa manpower business na Golden Legacy Job Movers Corporation na matatagpuan sa Unit 102&701 Ermita Center, 1350 Roxas Blvd, Ermita, Manila. Ang Mommmy at sister din niya ang kanyang ka-date last Valentine’s Day. Infairness, lalong gumaganda at sexy ngayon si Marion.
***
TULOY pala ang bakasyon sa Pinas ngayong March ng kilalang singer sa San Francisco, California na si JC Garcia.
Yes, kahit may kamahalan ang presyo ng ticket ay hindi ito alintana ni JC ang importante sa kanya ay makasama ang kanyang mga kapatid at mga pamangkin. Kasama sa kanyang activities sa Pinas ay ang bisitahin ang mga kaibigang artista kabilang na ang Bff na si Veronica Jones, ninang na si Divina Valencia, atbp.
Kung wala lang pandemya malamang ay magdaos ng concert sa bansa si JC at ito talaga ang dream niya na mapanood siya ng ating mga kababayan. Nakapag-perform na kasi sa maraming bansa si JC at isa na nga siyang successful concert artist sa Amerika na dinudumog talaga ang kanyang mga show partikular na sa San Francisco, California.
***
Lei Yadao, Suportado Ng Youtube
Grabe ang suporta ng Youtube sa bagong kakilala naming singer sa US na si Lei Yadao. Madalas ipakita sa iba’t ibang Vlog ‘yung kumakanta siya ng “Stand By Me at nagigitara. Infairness, tunog foreign artist ang boses ni Lei kaya hindi nakapagtataka kung may mga kumukumbinsi sa kanya na mag-join sa “America’s Got Talent.”
Pero wala namang ilusyon si Ms. Lei na mag-audition dito at kung papalarin in the future na ma-penetrate niya ito ay kanya raw itong ipagpapasalamat sa Itaas. At masaya siya at marami ang naniniwala sa kanyang talento, isa na nga rito ang number one fan niya, ang daddy si Mr. Salvador Yadao.
At dahil nakikilala na sa US ay naiimbitahan si Lei sa mga special event. Malay natin at pasukin din ni Lei ang local music industry at maging isang recording artist dito sa Pilipinas. Well, good luck!
***
Birthday Celebrant Ms. Paige Mendoza Ng Canada, Mahilig Manood Ng Vlog
Isa sa regular naming viewers sa aming Vlog na “Chika Mo Vlog Kabog” ay ang matagal na naming friendship from Canada na si Ms. Paige Mendoza.
In all fairness napakabait at sweet ng kaibigan naming ito na suportado kami tuwing umeere ang aming Vlog under my own Youtube Channel named PPA Entertainment Network. Very proud pala si Ms. Paige sa dalawang daughter na sina Roxanne at Regina Anne na parehong flight stewardes sa magkaibigang International Airline Company. Today ay mag-ce-celebrate ng kanyang birthday si Ms. Mendoza at very thankful siya sa Itaas at pinagkakaloooban pa rin siya nito ng buhay. From all of us here at Police Files Tonite, Happiest Birthday to you, my for life Friendship Ms. Paige.