Advertisers
MATATAWAG kong isa nang propeta ang Department of Health (DoH).
Oo! Bakit ko nasabi ito? Aba’y tumatama lahat ang kanilang sinasabi na sa ganitong buwan o petsa ay tataas ang Covid cases at bababa naman sa ganitong buwan o linggo.
Nang tumaas ang Covid cases after ng christmas season, sinabi ng DoH na aabot hanggang 40,000 plus ang kaso ng corona virus hanggang katapusan ng Enero at bababa raw ito sa unang linggo ng Pebrero. Nangyari nga!
Tapos hinulaan din ng DoH na bago mag-Marso ay bababa pa at hindi na raw tataas ang kaso ng Covid. Yun nga ang nangyari. Hehehe…
Nasa 1,000 na nga lang ang Covid cases sa latest data ng DoH nitong Linggo ng hapon. Surely nasa 1,000 below nalang ito ngayong linggo. At bago magsimula ang kampanya sa lokal sa Marso 25 ay sana mahulaan ng DoH na nasa hundreds o zero covid case na ang Pilipinas. Wish ko lang!!!
***
Dineklara na nga ng DoH ang ‘Alert Level 1’ o pagluwag ng restrictions sa pandemya sa Metro Manila at marami pang rehiyon, habang ang ibang bahagi ng bansa ay nasa ‘Alert Level 2’ o 75 percent ang kaluwagan.
Dahil nga nasa Alert Level 1, bukas na ang lahat ng public places at ang tanging restrictions ay ang magsuot ng facemask at iprisinta ang fully vaccination card sa pagpasok sa ahensiya ng gobyerno o business establishments.
Hinihikayat din natin ang lahat na hindi pa bakunado na magpaturok narin. Pero kung mayroong karamdaman, magpa-checkup muna sa duktor kung puede magpabakuna, para makatiyak na hindi naman malagay sa panganib ang buhay.
Again, ang pinakamabisang panlaban sa virus ay kumain ng mga maprotinang pagkain, exercise, linis ng katawan at ugaliin na ang magsuot ng facemask paglabas ng tahanan dahil masyado nang marumi ang ating kapaligiran dulot ng pagsulputan ng mga pabrikang nagbubuga ng maitim na usok, pagdami ng sasakyan at pagkakalbo ng ating kabundukan kungsaan hindi na masyadong nasasala ang hangin na ating nalalanghap. God bless sa ating lahat!
***
Nawala ang tapang ni Inday Sara
Tinawag na “duwag” ni socialist professor Walden Bello ang kanyang kapwa vice presidential aspirant na si Davao City Mayor “Inday” Sara Duterte-Carpio sa hindi nito pagsipot sa vice presidential debate na inorganisa ng CNN Philippines noong Sabado (Pebrero 26).
Nang tanungin kung anong cabinet position ang kanyang gusto hawakan kapag nahalal na bise presidente, sinabi ni Bello na: “We are going to legalize divorce and same sex marriage and we are going to pull the Philippines from the 17th century to the 21st century. Mayor sara Duterte, why are not here to defend your positions? Ngayong talawan mangka, Inday?” Palakpakan ang netizens at mga nanood ng debate. Bumilib sila kay Bello. Hehehe…
“Mayor Duterte is not here to face the people, she is coward just like Bongbong Marcos is a fucking coward,” diin pa ng dating kongresista.
Si Sara ay hindi sumisipot sa mga debate, habang si Marcos ay pumipili ng mga dinadaluhan tulad ng SMNI na pag-aari ng kanyang kapanalig na si Pastor Quiboloy. Mga duwag nga!