Advertisers

Advertisers

Buo ang kooperasyon ng Lucky 8 Starquest

0 490

Advertisers

NAHAHARAP ngayon sa matinding hamon ang gamefowl industry.

Bukod kasi sa isyu ng pagkawala ng 31 sabungero, nabuburo rin ang panukalang legalisasyon ng electronic o e-sabong.

May mga naglutangan pang sindikato raw ng game-fixing at pagtyope ng mga manok panabong.



Ngunit nakabibilib naman na buo ang ibinibigay na kooperasyon ng kompanyang Lucky 8 Starquest sa isinasagawang imbestigasyon ng iba’t ibang law enforcement agencies sa bansa ukol sa mga nawawalang sabungero.

Katunayan, ibinibigay ng kompanya ang lahat ng kailangang impormasyon sa Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) at National Bureau of Investigation (NBI) para agarang ikalulutas ng kaso.

Nagsabi na rin si Atty. Angelo Santos, pangulo ng kompanya, na nalulungkot sila sa pangyayaring ito.

Hindi daw kasi inaalis ang posibilidad na iringan ng mga financiers at handlers ng mga manok na panabong ang ugat nito.

Sinasabing hindi rin malayong mangyari na isang grupo ng sindikato ang nasa likod ng pagkawala ng mga sabungero.



Ganyan din kasi ang lumutang sa inisyal na imbestigasyon ng Senado.

Humarap naman sa Senate hearing si Geralyn Magbanua, asawa ng nawawalang sabungero na si Manny Magbanua.

Ayon sa ale, aba’y maaaring may kinalaman daw ang may-ari ng breeding farm ng mga manok na panabong sa Tanay, Rizal na si Julius Javillo sa pagkawala ng kanyang mister at isa pang kasamahan nito.

Ani Aling Geralyn, ilang linggo pa lang daw nagtatrabaho bilang handler ng mga manok ni Javillo ang kanyang asawa.

Binanggit ng ginang kay Senate Committee on Peace and Order and Dangerous Drugs Chairman Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na naniniwala siyang may kinalaman daw dito si Javillo.

Noong January 12, 2022, ipinasundo raw pala ng gamefarm owner ang mister ni Aling Geralyn para bumitaw ng manok sa sabong kinabukasan sa Sta. Cruz, Laguna.

Mula noon, hindi na ito nakauwi.

Nawawala rin daw ang isa pang kasamahan ng mama na si Marvin Flores.

Binanggit na si Flores ay tauhan din ni Javillo at missing na rin ito hanggang sa kasalukuyan.

Ang masaklap, aba’y maging ang financier ay hindi na rin matagpuan at pinaniniwalaang nagtatago lang ito.

Tinututukan ng PNP-CIDG ang anggulo na posibleng financiers sa pagtyope sa mga manok sa e-sabong ang ugat dito na posibleng inonse naman ng mga nawawalang sabungero.

Well, nangako na rin naman ng full cooperation sa Senado si Atty. Santos ng Lucky 8 Starquest.

Kung sakaling magkaroon pa ng hearing sa hinaharap, mahalagang ipatawag daw ang mga nawawalang financiers.

Sa ganitong paraan, maaaring malutas sa lalong madaling panahon ang kaso ng pagkawala ng mga kawawang sabungero.

* * *

PARA naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa gil.playwright@gmail.com o kaya’y i-private message sa aking Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Paki-subscribe na rin po ang aking Youtube channel at Tiktok page na ‘Gilbert Perdez’. Maraming salamat po at stay safe!