Heart trending ang imported na lalagyan ng fishball; Luis nag-post ng manggang hilaw sa socmed kaya pinaghinalaang buntis na si Jessy
Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
NAG-post si Heart Evangelista habang kumakain ng fish ball at take note, nakalagay sa Tiffany & Co. paper cup ang biniling street food kaya pinagkaguluhan na naman siya ng mga followers.
Nagmistulang mamahalin at sumarap ang fish ball dahil nakalagay ito sa mamahalin at branded na Tiffany & Co paper cup.
Lumalabas kasi na nag-take out ng fish ball si Heart saka umuwi at inilagay sa Tiffany & Co. paper cup dahil nang bumili siya ng nasabing masang pagkain sa plastic cup ng vendor inilagay ang suka na isinasawsaw ang tusok-tusok na fish ball.
Ang ikinabaliw pa ng mga netizen, bukod sa Tiffany & Co paper cup ay naka-Dior outfit pa si Heart nang bumili ng fish ball.
Curious tuloy ang mga netizen kung wala raw bang gamit sa bahay sina Heart at Sorsogon Gov. Chiz Escudero na hindi branded at imported.
Dinagsa tuloy ng suggestions at challenge si Heart na kanyang gagawin tulad ng pamamalengke sa wet market, bumili ng tilapia at siya na rin ang magprito. May nag-suggest din na mamili siya sa ukay-ukay at subukang magtinda sa palengke.
Ang isa pang challenge at suggestion kay Heart ay mag-shopping sa Divisoria.
Ang tanong ay kung tatanggapin ba ni Heart ang mga suggestion at challenge sa kanya ng netizens. If ever ay alin kaya sa mga ito ang una niyang gagawin?
Samantala, may nag-nega na naman kay Heart dahil sa post nito sa kanyang IG story ng larawan ng anak ni Chiz na si Quino na tinuring na ring tunay na anak ni Heart at may caption na: “Gwapo ng anak ko!!!” May nag-comment kasi agad na at the end of the day, hindi pa rin daw niya anak si Quino.
Pagtatanggol naman kay Heart ng nakakaunawa sa actress ay kung komportable naman daw si Quino na tunay na anak ang turing sa kanya ni Heart ay walang problema. At saka, bakit pati raw yun ay pinoproblema ng iba?
***
TULOY na ang comedy show na pagsasamahan ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa GMA 7. Naghihintay na lang sila ng araw ng taping.
Ang hindi totoo ay ang pagsasama nina Marian at Lloydie dahil ayon mismo kay Marian ay priority nito ang show nila ni Dingdong kaya hindi totoo na magtatambal sila ni John Lloyd Cruz sa isang serye na nauna nang nabalita.
Pero open pa rin daw siyang gumawa ng serye lalo na ngayong nasa Level 1 na ang NCR.
Samantala, fully vaccinated na rin ang panganay nilang anak na si Zia at wala rin silang problema na i-encourage ang anak na magpakuna against Covid-19. May mga magulang kasi na takot pa rin ipabakuna ang kanilang mga anak dahil sa may naglalabasang negative na nangyayari sa isang bata kapag nagbakuna.
Post nga ni Dingdong pagkatapos bakunahan si Zia: “Second shot ni Ate Zia ngayong araw!” Kasama niyang nag-drive through sa vaccination site yung iba pang mga kaibigan niya. Natuwa naman din siya kasi may pa-pizza, balloons at mascot pa!
“Bilang tatay at magulang, masaya ako na unti-unti na tayong nakakaahon mula sa mga epekto ng pandemya. May bakuna na para sa mga bata, at ibig sabihin nito unti-unti na rin nilang mababawi yung mga karanasang inagaw sa kanila ng pandemya.
“Kahit yung simpleng paglalaro at pag-iikot sa iba`t ibang lugar ay napakahalaga. Magandang marami silang makita, matanong, makausap at maramdaman,” post ni Dingdong.
***
Jessy pinagpiyestahang buntis dahil sa IG post ni Luis
DAhil na rin sa post ni Luis Manzano kaya pinaghinalaan tuloy ng mga netizen na buntis ang misis niyang si Jessy Mendiola.
Ipinost kasi ni Luis sa kanyang Instagram ang 9 na larawan ng hilaw na mangga kasama ang iba‘t ibang sawsawan. Tulad ng bagoong at patis na may sili pa.
“Ay sh*ttttttttt,” caption ni Luis.
Ang simpleng post na yun ni Luis ay dinumog ng comment, pati ng mga celebrities ay nag-react din dahil sobrang nakapaglalaway daw ang mga larawan.
Isabelle Daza reaction, “I hate you.”
Comment naman ng kaibigan niyang si Billy Crawford. “Damn bro drooling ang cute mo…ay sorry. Akala ko dam @luckymanzano.”
React naman ng isang netizen, “Bwisit!!!! Naglilihi pa naman ako.”
Kantiyaw naman sa kanya ng mga followers na baka magiging tatay na siya at naglilihi na si Jessy.
Dinagsa na rin si Luis ng congratulations dahil magiging tatay na siya. Pero for sure ang unang-unang matutuwa kung buntis na nga si Jessy ay ang Star For All Seasons na si Vilma Santos.
Matatandaang noon pa gusto ni Ate Vi na mag-asawa na ang anak na si Lucky para mabigyan siya ng apo. At tila matutupad na nga ang matagal nang binubulong ni Ate Vi kay Lucky na gusto na niya magka-apo.
Siyanga pala, binabati po namin ang Star For All Seasons dahil binigyan siya ng pamunuan ng Philippine Post ng commemorative stamp.