Advertisers

Advertisers

Matagal ding nanatili sa bahay…Marian gagawa na ng sitcom kasama si Dingdong; Myrtle ilang taon na ring loveless

0 445

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

KUNG gaano kahaba ang pandemya sa bansa ay ganun din masasabi ang haba ng panahon na nananatili sa loob lang ng kanyang tahanan ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera. Kung may taping naman siya ng hosting job sa “Tadhana,” sa bahay na lang niya ito kukunan May piling-piling event lang na dinaluhan si Marian na lumabas siya sa kanyang tahanan, sa loob halos ng mahigit na 2 taon at mabibilang pa ito sa mga daliri niya sa kamay.
Ngayon, medyo maluwag-luwag na at masasabing papunta na talaga ang sitwasyon ng bansa sa tinatawag na New Normal, gagawa na kaya ng serye si Marian o movie?
“Definitely yes!”, say ni Marian.
Ano naman kaya ang proyektong gagawin ni Marian na masasabi na rin na comeback project niya?
“Hindi ko alam kung p’wede ko nang sabihin, pero ’yung sitcom namin ni Dong, may script na kami. Excited na kami and taping na lang talaga ang hinihintay.
“Hindi ko alam pero kung saan safe kami. Pinag-uusapan pa namin. At least, magbabalik kami and with Dingdong Dantes pa,” dagdag na sabi pa ni Marian.
“Tingnan natin kung ano ang ibibigay ng mundo. Baka mamaya mas maluwag na, konti na lang ang lock-in or baka naman wala ng lock-in? Much better ‘di ba? Mas makakauwi ako sa bahay,” sey pa ni Marian.
***
DAHIL sa naudlot ang taping ng bago niyang serye sa Kapuso Network, ang ‘Love Die Repeat’ together with Jennylyn Mercado and Xian Lim, tsikang itutuloy pa rin pagkatapos na manganak ni Jennylyn, abala na muna si Myrtle sa guestings sa mga show sa Kapuso Network at sa advocacy ng isang produktong kanyang ini-endorso ngayon na tinutulungan sa pagpunta-punta sa mga eskuwelahan sa bansa.
Paano naman kaya nila ito nagagawa gayung wala namang face to face classes pa kung meron man ay mangilan-ngilang eskuwelahan lang.
“Challenging ang pandemic kasi we can’t go to them personally. But we attended their zoom classes to maintain our connection with them. Students ask me questions like how do you achieve your dreams and succeed in life?,” say ni Myrtle.
Eh, kumusta naman ang kanyang lovelife na tsika ay halos ilang taon na rin siyang loveless?
“Wala. I’m so busy with my life and work, kasi I also put up my own small production agency and we do videos and online content. I also went back into gaming and Thai and Malaysian companies consult me about it,” dagdag na say ni Myrtle.