Meg inamin, close kay Tom pero ‘di inahas kay Carla; Shaina 2 buwan lang sana pero 2 years na sa ‘Probinsyano’
Advertisers
Ni JOVI LLOZA
SI Meg Imperial nga raw ang aktres na nali-link kay Tom Rodriguez na dahilan ng paghihiwalay nina Carla Abellana at ng aktor.
Pero pinabulaanan ni Meg ang pagka-link niya sa kay Tom.
Wala nga raw katotohanan na sila na ni Tom.
Inamin nito na naging malapit sila sa isa’t isa ni Tom pero hindi lang daw sa aktor kundi pati kay Carla.
Kaya malabo raw na akusahan siyang inahas si Tom kay Carla.
Wala raw ganun pagdidiin pa ng aktres sa patuloy na pagdikit ng namesung nito sa aktor.
Katunayan ay mayroon umano silang business ni Carla na magkasosyo.
Naloka lang ito sa naglabasang video at picture nila ni Tom sa socmed.
Mga kuha raw ‘yun sa present project nila na magkasama sila ni Tom.
Pag-amin pa ni Meg na naging close sila ng aktor nang gawin ang pinagsamahan nilang project.
***
THANKFUL si Shaina Magdayao sa kabila ng may isyu ng franchise renewal ang network nito kasabay pa ang pagpasok ng pandemic.
Sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaanan ng bansa at ABS-CBN.
Nagpasalamat naman si Shaina at may project pa rin siya mula nung kasagsagan ng pandemic hanggang ngayon.
Bibihira na nga lang ang may project kaya ganun na lang ang pasalamat nito sa kanyang home network na patuloy siyang pinagtitiwalaan na bigyan ng project.
Dagdag blessing pa ang pagpirma niya ulit ng kontrata sa Dos.
Till now ay nasa Ang Probinsiyano pa rin si Shaina.
Guest appearance sana si Shaina at dalawang buwan siya mananatili sa action series ni Coco Martin.
Pero ‘di na nga raw siya tsinugi sa AP at ang dalawang buwan nito sana sa serye ni Coco ay umabot na ng dalawang taon.
Well, well, well…’Yun na!