Advertisers

Advertisers

Nagmamalasakit nga ba ang DOH?

0 1,793

Advertisers

“HINDI pa tapos ang laban kontra COVID-19.., magpa-RESBAKUNA na at magpabooster dose na rin kung eligible na.., protektado lamang tayo kung lahat bakunado..,” ito ang paalala ng DEPARTMENT OF HEALTH (DOH); pero, nagmamalasakit nga bang tunay ang ating mga HEALTH OFFICIAL?

Sa fb page ng DOH ay mahigit 63 milyong indibidwal na ang fully vaccinated sa PILIPINAS at sinasabing protektado na ang mga ito laban sa sakit na COVID-19.., e bakit may mga bakunado ang nagkasakit at namatay pa rin sa COVID? Bukod diyan ay marami rin ang dumanas ng ADVERSE EFFECT.

Pagmamalasakit nga bang maituturing ang ginagawang pagbabakuna gayong ang mga nabakunahang dumanas ng negatibong epekto sa kanilang katawan o yung mga naratay sa ospital ay hindi man lamang tinulungan.., pinag-eksperimentuhan na nga ang katawan ng tao e lalong paghihirap pa ang dinanas ng mga pamilya dahil.halos nabenta ang kanilang mga ari-arian para lamang may maipambayad sa ospital.., gayong dapat ay responsibilidad ito ng VACCINE MANUFACTURER dahil sa ginagawa nilang CLINICAL TRIALS?



CLINICAL TRIALS na dapat ay DATA RECORDING ang ginagawa.., inaalam kung ano na ang sitwasyon ng mga nabakunahan.., ilan sa mga ito ang nagka-covid pa rin kahit bakunado na o ilan ang mga bakunadong namatay rin sa sakit na COVID tulad sa sinapit ng ilang HEALTH WORKERS o mga DOCTOR? Napakahalagang aspeto ang DATA RECORDING para ma-assess kung ano-anong mga VACCINE BRAND ang papasa sa CLINICAL TRIALS.., pero wala man lang DOH STAFF ang nagsasagawa ng pagbisita sa mga nabakunahan para makita ang sitwasyon ng kanilang mga nabakunahan.

Masaklap pa.., hindi man lamang tinatalakay o walang nagbabalita sa mga nabakunahang dumadanas ng ADVERSE EFFECT o mga namatay tulad sa isang.mother sa ANTIPOLO CITY na nagpa-2nd dose pero nakahiga na siya sa loob ng kabaong nang siya ay iuwi sa kanilang bahay.

Mga bata na napilitang magpabakuna sa pangambang hindi sila makapag-aaral.., pero, mas lalong hindi na sila makakapag-aral dahil sementeryo na ang napag-enrolan nila.

Ipinost sa fb ang pighati’t pagdadalamhati ng mga pamilya.., subalit, binura naman ng fb ang mga post para mapagtakpan o hindi.mapasama ang imahe ng bakuna.

Responsibilidad dapat ng DOH sa kung ano ang sasapitin ng mga taong kanilang pinagbabakunahan.., subalit, tanging ginagawa ng mga VACCINATOR ay ang turok ng turok at ngayo’y pinipilit pa ang lahat ng FULLY VACCINATED na magpa-BOOSTER.., saklap nito, kapag dumanas ng ADVERSE EFFECT ang nabakunahan o na-BOOSTER ay wala nang paki ang DOH.



Tulad ng isang binatilyong 15-anyos sa BICOL na matapos magpabakuna ay naparalisado ang katawan.., hayun, ang ina na nagtitiis magtrabaho sa JEDDAH, SAUDI ARABIA ay napilitang umuwi para siya na mismo ang mag-alaga sa kaniyang anak.., ang siste posibleng mabaon sa utang ang kanilang pamilya dahil sa pagpapagamot sa binatilyo.

Kahit paano ay nariyan ang PUBLIC ATTORNEYS OFFICE (PAO) na pinangangasiwaan ni CHIEF, ATTY. PERSIDA ACOSTA.., na inaasistihan ang binatilyong naparalisa sa BICOL dahil sa epekto ng bakuna.., gayundin ang 17-anyos na dalagita sa ANTIPOLO CITY na tila nagmistulang baliw dahil sa epekto ng bakuna ay inaasistehan ng PAO. Bukod sa mga dumanas ng ADVERSE EFFECT sa COVID VACCINES ay inaasistehan din ng naturang ahensiya ang mga dumanas ng ADVERSE EFFECT sa DENGVAXIA VACCINE, na isa rito ay ang dalagitang taga-ANTIPOLO CITY na pabalikbalik sa ospital dahil sa epekto ng DENGVAXIA.

Ngayon.., nasaan ang ipinagmamalaking MALASAKIT ng DOH OFFICIALS gayong hindi man lamang lingunin at magbigay katulungan sa mga taong ginawa nilang EXPERIMENTAL OBJECT ay naratay sa iba’t ibang pagamutan.., na maging mga HEALTH WORKER ay marami rin sa mga ito ang dumanas ng ADVERSE EFFECT at ang iba ay nasa mga libingan na.., napaaga ang kanilang kamatayan dahil sa bakuna

MAGPABAKUNA PARA PROTEKTADO.., pero hindi naman pinoproteksiyunan ng DOH ang kanilang napagbabakunahan kesehodang mangamatay ay walang pakialam… palibhasa ay may WAIVER na kung ano man kasapitan ng mga mababakunahan ay hindi sagutin ng VACCINE MANUFACTURERS at ng DOH OFFICIALS!…, nasaan ngayon ang ipinagmamalaki ng DOH na pinagmamalasakitan nila ang kalusugan ng mamamayan?

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.