Advertisers

Advertisers

Vice Honey Lacuna, nahimatay sa “tied survey?!”

0 386

Advertisers

HALOS mahimatay daw si outgoing Vice Mayor Honey Lacuna nang malaman ang resulta ng pinaka-latest na survey sa Maynila na isinagawa ng Issues and Advocacy Center or The Center, kung saan, statistically tied na sila ng kanyang katunggali si Kuya Atty Alex Lopez.

Sigaw daw ni doktora sa kanya mga staff: Anyareee?! Hindi kase akalain ni doktora na tatabla si Kuya Alex sa kanya. Noon kase ay papetiks-petiks lang at nagyayabang pa na ‘walk in the park’ lang daw ang laban sa pagka-mayor.

‘Yun pala, yakang-yaka siya lotama!



KUNG NGAYON GAGANAPIN ANG ELEKSYON,
SINO ANG IBOBOTO MO MAYOR SA MAYNILA?

Sa Pulso ng Pilipino Rapid Voters Preference Survey na isinagawa ng The Center, isang private firm nitong Pebreo 11- 15, 2022, tinanong ang may 1,200 respondents.

Nakakuha si Dra. Lacuna ng 43%, subalit, halos magkadikit lamang sila ni Atty. Alex na may 41.5%. Dahil mayroong itong plus at negative -/+ 2 margin of error survey data, kaya’t maituturing na statistically tied sina Lacuna at Atty. Alex.

Kapag ganyan nga, baka atakehin pa sa puso si doktora!

***



SABI ng The Center: “The Manila Rapid Voters’ Preference Survey is a non-commissioned initiated by The Center which is principally aimed at providing the public with an unbiased view of political developments in selected localities.”

In short, hindi sina Lacuna o Atty Alex o sinuman ang nagbayad para sa survey, inisyatibo ito ng The Center na naglalayong pulsuhan ang damdamin ng mga Filipino ngayong halalan na bahagi ng kanilang public service.

O’ baka mai-stroke na si Doktora n’yan!

PAPARATING NA ANG PAGBABAGO!

MALINAW ang mensahe na ipinaparating nang pinakabagong survey, dahil mapa-social media survey, face to face survey o scientific survey, palagi nakakapuntos si Kuya Alex, dahil nais na rin ng Manilenyo ng makataong pagbabago sa city hall.

At si kuya Alex, isang economist at builder ang siyang mas kwalipikado sa puwesto para makabangon ang Maynila mula sa pagkakadapa sa pandemya hanggang sa pagkakabaon ngayon sa utang ng Lungsod.

Kaya, isang financial expertise at ‘di dermatogist ang kailangan sa Maynila!

DALAWANG FINANCIERS NI YORME
KAY DADDY A. TUMATAYA?!

ANG naturan survey ang dahilan kung bakit may dalawang malalaking tao sa likod nina Yorme at Lacuna ang nagbibigay daw ng financial support kay Amado Bagatsing, kandidato rin sa pagka-mayor.

Nais daw ng dalawang ito na pabagsakin si Kuya Alex at mabawasan ang suporta nakukuha nito ngayon sa Manileno.

‘Da who ang dalawang kumag?!

***

ANG sabi ng ating maritess, isang nangangalang Robbie at Felix ang nagbubuhos daw ng tulong kay Amado lalo na sa aspetong pinansyal kaya ganoon na lamang daw ang pamudmod nito ng salapi sa kanyang mga caucus.

Hindi natin alam kung nalalaman ito ni doktora, na imbes na sa kanya tumaya ang dalawang ito, sa kalaban niya pumupusta.

Dehado naman daw kase si doktora!

***

PERO ang isa din dahilan nang pagkakagalit nila kay doktora ay ang hindi pagsama sa line-up ng kanilang kaanak sa pagka-konsehal. Mas pinili daw isama sa line-up ang ‘di kapartido kaysa sa kaanak nila na siyang ikinatanim ng galit kay doktora.

Ang malupit, alam daw ito ni Yorme pero hindi naman masaway ang dalawa sa ginagawang pagtatraydor kay doktora.

Naku, laglagan na!

(Ang Parating na ang Pagbabago ay lumalabas tuwing Lunes at Huwebes, mababasa rin sa digital platform ng policefilestonite.net)