Advertisers

Advertisers

Diego naka-bonding ang erpat na si Cesar na 7 years ‘di nakasama

0 396

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

MASASABI talaga ng young actor na si Diego Loyzaga na dream come true sa kanya na makasama at maka-bonding ang ama na hindi niya nakapiling sa loob halos ng 7 taon.
Sa latest interview niya kasi, ang isa sa nasa bucket list niya ay ang movie na makakasama niya ang amang si Cesar Montano. Ngayon nga ay nagkita sila at naglaro ng basketball sa loob halos ng kalahating araw na sadyang sinulit nila ang mga oras sa muling pagsasama.
Pinost naman ni Diego ang kanyang madamdaming mensahe kalakip ang isang larawan na magkaakbay sillang mag-ama at nasa basketball court.
“7 years is a long time for a son not to see his father. After seven years, after mistakes, God made a way to bring us together again. I apologize for the impulsiveness of my youth. If we could take back the words and the distance and the time wasted, I would. One thing we can do is make up for it. It was so good to see you and play ball with you today.”
Samantala, sa pagbabalik niya mula sa isang mahabang bakasyon sa Amerika ay tutok naman ngayon si Diego sa promo ng kanyang bagong pelikulang ginawa, ang “Ibong Adarna” na nakasama niya sina Coleen Garcia, JC Santos at Mark Anthony Fernandez na magsisimulang i-stream sa Marso 11 sa Vivamax.
Role ng isang masunuring anak sa amang pinuno ng sindikato ang ginampanan ni Diego at kahit iutos ng ama ay handa niyang sundin kahit pa sabihin na pumatay siya ng tao.
***
ISANG taon na lang ay tuluyan nang masasabing isang ganap na dalaga ang dating ‘Trudis Liit’ noon na si Jillian Ward.
Nitong Pebrero 23, nagselebreyt ng kanyang ika-17 kaarawan si Jillian. Kasabay na rin sa kanyang pagdadalaga ay kapuna-puna na nagle-level up din ang kanyang role sa top rating show nila na “Prima Donnas” na tila naghuhudyat na unti-unti nang sasabak si Jillian sa mga malalimag karakter sa mga susunod niyang proyekto.
“Mas may lalim na po ‘yung trabahong ginagawa ko sa mga roles ko po, mas nabibigyan ng lalim. And mas may understanding na rin po talaga kasi mahilig po akong mag-research, mahilig po akong magbasa,” say ni Jillian.
Pero bago pa man tuluyang pumalaot si Jillian sa mga matured role ay nais sana niyang makagawa ng isang fantasy project na sirena ang kanyang gagampanan.
“Gusto ko po talaga i-try na mag-mermaid, ‘yung mga fantasy shows, movies,” dagdag na say pa ni Jillian.