Advertisers

Advertisers

Kakaibang halalan

0 327

Advertisers

HINDI namin alam kung napansin ng mga botante ang kakaibang takbo ng kampanya sa halalan pampanguluhan sa Mayo 9. Walang nangangahas sa mga kandidato na gumamit ng fist salute ni Duterte. May nabubuong boto na maituturing na Catholic bloc vote. Walang matinong tao, grupo ng tao, o organisasyon, at institusyon na nagtataguyod sa kandidatura ni BBM. Biglang sumisikat ang sinuman na bumangga sa mga kumakatawan kay BBM.

Bagaman nangunguna si BBM sa mga survey na hindi malaman kung totoo o gawa-gawa lamang dahil hindi malinaw na pagpapaliwanag sa ginamit na methodology (paraan ng survey), patuloy ang pagdagsa ng mga tao sa mga political rally ni Leni Robredo at Kiko Pangilinan sa iba’t-ibang bayan at lalawigan sa bansa. Hindi maikakaila na may sariling pwersa ang Leni-Kiko tandem at ito ang pwersang demokratiko na nagtatakwil sa anumang anyo ng diktadura o awtoryanismo.

Hindi ganito kalakas ang mga mass action ni BBM. Hindi humatak ng maraming tao. Mistulang nilalangaw. Kailangan ng kampo niya ang humakot ng maraming tao sa iba’t ibang bayan at bayaran upang masabing tagumpay ang kanilang campaign sortie sa ibang lugar. Walang hakot ang rally ni Leni. Hindi nagbabayad ang kanilang kampo.



Wala nag-endorso kay BBM maliban sa ilang pamilyang politikal na itinuturing na kabilang sa uring trapo, o propesyonal na pulitiko. Hindi sila sinusuportahan ng mga organisasyon ng mga doktor, abogado, accountant, siyentipiko, titser, nars at health workers at iba pa. Hindi pumapayag ang mga propesyonal na taguriang tagasuporta ni BBM.

Kung totoong malakas si BBM, bakit walang lumantad na suportahan siya? Bakit ang kanyang tagasuporta ay bantulot na sabihan sa publiko na si BBM ang kanilang napupusuan? Mukhang hindi sla handa na ilabas ang kanilang baraha sa madla.

Walang Catholic vote sa mga nakaraang halalan. Ngayon, lantaran na kumapamya ang mga pare, madre, laity worker, at iba pang taong-Simbahan para sa tambalang Leni-Kiko. Malinaw ang mga organisasyon ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, Couples for Christ, at iba pa na kumakampanya kay Leni.

Kasama ang maraming eskwelahan na Catolico sa buong bansa na hayagang dala ang Leni-Kiko ticket. Samantala, tanging si Mike Velarde ang nagdeklara na kampi siya kay BBM. Hindi si Velarde ang El Shaddai. Hindi maganda ang reputasyon ni Velarde sa loob at labas ng Simbahang Catolico. Hindi siya itinuturing na lehitimong lider-Simbahan.

Tanging ang Iglesia ni Cristo ang susuporta kay BBM. Maaaring ihayag ito sa huling sandali. Madalas na sinusuportahan ng INC ang nanguna at may posibilidad na bumaligtad at suportahan si Leni kapag nakita nilang tagilid si BBM.



Kapag sinuportahan ng INC si BBM, susuportahan ng ibang relihiyon tulad ng Ang Dating Daan, JIL, Christian Evangelical , Protestante, at Philippine Independent Church ang pinakamalakas na kalaban ni BBM. Mas maraming boto ang mga grupong iyon kesa INC.

Hindi na uso ang fist salute ni Duterte. Kasamang nalaos ang fist salute kasama si Duterte na mistulang lumpong pato (lameduuck). Malamang pulutin sa kangkungan ang sinumang kandidato na lumabas na naka-fist salute. Malamang na umuwi siya ng luhaan at talunan.

Mapapansin na takot humarap sa debate ang mga nangunguna sa survey at makipagtagisan ng galing at ganda ng programa. Mistulang mga dagang pusali kung magtago si BBM. Tanging si BBM ang humingi ng impormasyon kung ano ang itatanong sa debate ng Comelec. Ibigay ng Comelec ang mga general topic, o paksa.

Teka nga pala, kilalang mandaraya ang Comelec. Sa kasaysayan ng halalan sa Filipinas, nangunguna ang Comelec. Nandaraya ito bilang institusyon.

***

BIGLANG sikat sa madla si Luke Espiritu, isang manananggol na tumatakbo bilang senador. Siya ang lider-obrero na lumahok sa debate ng mga kandidato sa istasyon ng isang lider-kulto na nasa listahan ng “Most Wanted List” ng FBI sa Estados Unidos. Mapansin siya ng mga netizen dahil sa pagsopla sa dalawang bugok na kandidato ni BBM.

Matindi ang tama ng dalawang sira-ulong kandidato. Kumbaga sa larong sabong, tinamaan sa kili-kili ang dalawang baliw sa matinding shuffle ni Espiritu. Hindi nakaganti ang dalawang patapon at nilunok na lang ang pride. May panawagan tuloy na isama si Espiritu sa tiket sa Senado ni Leni-Kiko at alisin na ang mga guest candidate na pawang mga walang silbi.

Ano ang masasabi ni Leni at Kiko? Pakinggan ang dalawang lider sa kanilang opinyon tungkol kay Espiritu.

***

MAY isinulat si Roly Eclevia, isang manunulat at ang mabunying kaibigan. Pakibasa:

Cory Aquino should have confiscated Marcos assets in the Philippines

President Joe Biden and Prime Minister Boris Johnson are moving to seize business corporations, private planes, yachts, villas, even bank accounts held in the United States and Great Britain by Russian oligarchs for Vladimir Putin.

The revolutionary government of Corazon Aquino should have taken a similar approach decades ago and confiscated outright the assets held in the Philippines for Ferdinand and Imelda Marcos by Lucio Tan, Eduardo Cojuangco, Roberto Benedicto, Herminio Disini, Antonio Floirendo, et al.

The PCGG did a great job recovering, or at least freezing, the real estates, bank deposits, jewelry, and works of arts the Marcos family kept in New York and London, where courts decide cases based on evidence.

It hasn’t been so successful in the Philippines, where judges and magistrates sell their decisions to the highest bidder.

As a result, the individuals previously mentioned and their progeny still own and control financial institutions, manufacturing companies, commercial and agricultural lands, stocks in big corporations in the country, all bought with money stolen from the Filipino people.

Come to think of it. Instead of rolling in wealth and running for president, Ferdinand Marcos Jr., alias Bongbong, would be working as clerk–a job befitting a college dropout– in some obscure office.