Advertisers

Advertisers

Mariel nagpramis, magpapapayat ‘pag nanalong senador si Robin

0 418

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SA kanyang vlog, kumasa sa question and answer portion si Mariel Rodriguez with matching mukbang na game niyang sinagot ang mga tanong ng kanyang followers.
Isa sa mga natanong sa kanya ng isang follower ay kung nagche-check daw ba siya ng messages ng mister na si Robin Padilla sa social media account nito.
Sey ni Mariel, marami raw kasing social media accounts si Robin at siya ang nagtatago ng passwords nito para maalala ng kanyang hubby.
Gayunpaman, hindi raw niya nakaugaliang makialam o basahin ang mga mensahe sa socmed accounts ng mister mula sa netizens at maging sa mga babaeng followers nito.
Kapareho kay Robin, meron din daw kasi siyang private socmed account na ilan lang ang followers.
May account din siya para sa mga faney at maging para sa kanyang business.
Pati nga raw ang mga socmed accounts ng mga anak na sina Gabriella at Isabella ay siya ang nagma-manage.
Tungkol naman sa kanyang wishlist, nasa listahan daw niya na manalo si Binoe sa kanyang senatorial bid dahil naniniwala siya sa intensyon nitong makagpagsilbi sa bayan.
Promise rin daw niya sa sarili na magpapapayat siya kung papalaring maging senador ang hubby.
Sa isyu naman ng pagbabalik-showbiz, malamang daw ay puwede na niyang i-entertain ito once malaki na ang kanyang mga anak.
Bet daw niyang maging kontrabida tulad ng mga napapanood niya sa mga Koreanovela.
Aminado rin siyang workaholic pa rin siya pero iba na raw kasi ang energy niya ngayon kumpara noong nasa 20s pa lamang siya.
***
Pinay girl group na Calista, hahataw na sa
“Vax to Normal”concert
Wala na talagang pipigil sa pag-ariba ng hottest girl group sa bansa: ang Calista.
Ang pinag-uusapang girl group ay mapapanood sa kauna-unahan nilang concert na “Vax to Normal”, ang the most anticipated concert event of the year.
Gaganapin sa April 26, 2022 sa Smart Araneta Coliseum, ang mga seksing miyembro ng grupo ay magpapamalas ng kanilang galing sa pagkanta at pagsayaw.
Ang Calista ay binubuo ng anim na naggagandahang mga dilag——sina Alluring Olive, Sweet Laiza, Edgy Anne, Sporty Denise, Chic Elisse at Fiery Dain na mina-manage ng Tyrone Escalante Artist Management (TEAM).
Iprinudyus ng Merlion Events Production, Inc., guest performers sa tribute concert sina Yeng Constantino, AC Bonifacio, Elmo Magalona, Andrea Brillantes, Darren Espanto at Ken San Jose.
Ang “Vax to Normal” concert ay mula sa direksyon ni Nico Faustino, dance choreography nina Nesh Janiola at Carlos Serrano III at Soc Mina bilang musical director.
Ang concert ay isang pagpupugay sa frontliners ng bansa, lalo na ang mga healthcare workers na itinuturing na mga makabagong bayani sa paglaban natin sa Covid-19.
Para sa karagdagang detalye tungkol sa “Vax to Normal”, maaaring bisitahin ang kanilang website na melionproduction. com. Para makilala ninyo pa nang lubos ang Calista, puwedeng pumunta sa kanilang website na calistasocials.com at i-follow sila sa Facebook (Calista PH), Instagram (@calistamusicofficial), Twitter (@calistasocials), Tiktok (@calistamusicofficial) at You Tube (Calista PH).