Advertisers

Advertisers

Sa ilalim ng alert level 1, hindi na required ang “vaccination card”

0 425

Advertisers

NILINAW ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na hindi na required ang vaccination card para makapasok sa mga mall sa ilalim ng Alert Level 1.

Paliwanag ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya, ang vaccination card ay kailangan lamang sa bahagi ng mall na pasok sa closed, crowded, at close contact.

Aniya, pag-uusapan ng DILG ang bagay na ito sa mga Local Government Unit (LGU).



Sa kabila nito, sinabi ni Malaya na walang mali ang mga mall na hihingin pa rin ang vaccination card sa mismong entrance.

Simula Marso 1 hanggang Marso 15 ang National Capital Region at 37 iba pang lugar ay ibinaba na sa Alert Level 1.

***

Samantala hinikayat naman ng Department of Tourism (DOT) ang publiko na magpabakuna na para walang maging aberya sa kanilang pamamasyal at biyahe ngayong nagbukas na ang turismo sa bansa.
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, bagama’t halos wala ng paghihigpit sa protocols, ang papayagan lamang nila sa indoor na mga pasyalan ay ang mga nakakumpleto na ng bakuna.

Aniya, ngayong nasa Alert Level 1 na ang maraming lugar sa bansa, asahan ng dadagdasa ang mga lokal na turista kaya mahalaga ang bakuna para sa kanilang proteksyon.



Nilinaw naman ni Puyat na may mga lugar naman na pinapayagan ang mga batang hindi pa vaccinated basta ang kasama nilang magulang ay bakunado na laban sa COVID-19.

Subaybayan natin!

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan,10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing biyernes 9;00-10;00am 98.9 FM RADYO NATIN Roxas, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City at tuwing Biyernes 8:00-9:00am at Sunday 12:00nn-1:00pm sa DWXR 101.7 FM Mapapanood live streaming at Youtube chanel.