Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
SA Zoom mediacon ni Aga Muhlach para sa kanyang bagong Net25 show na Bida Kayo Kay Aga ay natanong ang actor/host kung ano sa palagay niya ang mga qualities ng isang tao para masabing isa itong tunay na bida.
“I think ang nagsasabing bida ka, dapat hindi ang sarili mo. Tao ang magsasabi kung ikaw ay kabida-bidahan.
“Katulad ng show ko na ito, madami nga ang bida-bidahan. Pero sa akin naman, ang bida kasi is yung mga simpleng tao na gumagawa ng kabutihan na walang announcements, hindi pinapakita.
“Maraming kuwento ito para sa lahat din. Ito yung mga taong tahimik, hindi sila vloggers, they don’t make money out of it. “There’s nothing wrong with that again.
“Pero ang hinahanap namin, yung mga taong gumagawa ng actual kindness na hindi nila alam nakukunan sila, nabi-videohan sila, nalalabas sila, they go viral.
“It’s a feel-good thing. Maraming tao ang naghihirap sa mundong ito. Marami tayong paghihirap.
“Pero tayong mga Filipino, at karamihan sa atin, kahit sa kalugmuk-lugmok na pinagdadaanan natin, kapag may humingi ng tulong sa atin, kahit kaunti magbibigay pa rin tayo.
“Di lang pinansiyal kundi kahit sa oras, sa panahon, mga ganung bagay.
“Ito yung mga tao na nakakatuwa. Para sa akin, bilib ako sa inyo. Kayo ang hero talaga. Saludo ako sa inyo.
“Iyan ang mga gusto kong mai-feature because I wanna know, gusto ko silang maka-usap.
“Sa hirap na pinagdadaanan natin sa buhay, ano ang nasa puso mo para gusto mo pa ring tumulong ng tao?”
Ang Bida Kayo Kay Aga ay bagong program ni Aga sa Net25 na eere na simula March 12, Sabado, 7 p.m.
Isa itong inspirational show na ang mga itatampok ay mga magagandang gawain ng mga ordinaryong tao na nakakapagbigay ng good vibes sa mga manonood.
Bukod sa Bida Kayo Kay Aga, host din si Aga ng game show na Tara Game, Agad Agad! tuwing Linggo, 7 pm, sa Net25 din.