Advertisers

Advertisers

Asahan ang paglipat ng governors at mayors sa kampo ni Leni

0 848

Advertisers

SA pagkulay pink ng tatlong lalawigan na unang pinagdausan ng rali ng Leni-Kiko tandem, biglang nagbago ang ihip ng hangin para sa kakampinks.

Oo! Nang makitaan ng halos isang milyon mga naka-pink ang rali ng Leni-Kiko sa Iloilo City, balwarte ng Liberal Party simula pa noon, nagkalakas-loob na ang ibang lalawigan na maglabas narin ng kanilang tunay na damdamin para sa ibobotong presidentiable.

Pagkatapos ng Iloilo, ang inakalang non-Leni province ng Cavite ay nagkulay pink. Napuno ang venue sa General Trias. Nag-viral ang “800,000 minus 1” sa social media. Higit 47K ang dumalo, tantiya ng pulisya.



Sa nangyaring ito sa Cavite, napahiya si Governor Jonvic Remulla na nag-endorso kay Bongbong Marcos Jr. at pinangakuan ng 800,000 votes.

No talk na si Jonvic. Balita natin ay nag-iisip na itong mag-kulay pink narin, tulad ng ginawa niya noong 2016 kay Jojo Binay na kanyang biglang tinalikuran nang maramdamang si Rody Duterte ang mananalo. Trapong pag-iisip. Hehehe…

Sumunod na lalawigan na nag-kulay pink ang plaza ay ang Bulacan. Susmaryusep! Halos ganun na ganun ng sa Cavite ang dumagsa sa rali ng Leni-Kiko tandem. Sa tantiya ng pulisya ay nasa 45K! Araguy!!!

Kung halos 1 milyon ang dumalo sa Iloilo rally at kulang sa 100K ang sa Cavite at Bulacan, i-times 3 lang natin ito sa bawat pamilya ay nasa 4.5 million na sa tatlong lalawigan palang yan!

Sa mga nakarating na impormasyon sa atin, 2 governors ng malalaking lalawigan mula sa Visayas at Southern Luzon ang nakatakda nang lumipat kay Leni matapos makita ang nag-uumapaw nang sumusuporta sa biyuda ni yumaong DILG Secretary Jesse Robredo.



Siempre, kapag lumipat ang governors tiyak kasama ang karamihan sa kanilang mayors. Mismo!

Ang sunod na destinasyon ng rali ng Kiko-Leni ay ang Romblon, sa Marso 10. Tingnan natin kung gaano kalawak ang aabutin ng kulay pink sa rali na gaganapin sa plaza ng Odiongan.

Ang mayor ng bayan ng Odiongan na si Trina Firmalo ang nag-organisa ng rali sa Romblon.

Ang Romblon, may registered voters na higit 200K, ay kilalang balwarte ng Liberal Party, ang partido nina Leni at Kiko.

Si Robredo, sa mga survey ng SWS at Pulse Asia, ay malayong pumapangalawa kay Marcos. Pero sa survey sa mga koliheyo, professionals at Catholic Church, malayong nangunguna si Leni.

Mayroon pang higit 60 days ng kampanya para sa nasyunal. Ang lokal naman ay magsisimula sa Marso 25. Ang huling araw ng kampanya ay sa Mayo 7.

***

Marami ang pumuna sa post ko tungkol sa pag-endorso ko kay Luke Espiritu para Senador.

Bakit ko raw iniendorso si Espiritu e isa itong komunista, maka-kaliwa. Ngek! Binutata lang niya sina Larry Gadon at Harry Roque sa debate sa isyu ng human rights at sa matandang Marcos, komunista na?

Si Luke ay isang abogado, produkto ng mga dekalibreng unibersidad na Ateneo at La Salle. Hindi siya komunista kundi nagpaka-totoo lang, by the book and kanyang mga sinasabi at talagang may pusong masa.

Ang kanyang mga inilahad na programa ay talagang pang-masa, pang manggagawa. Kaya nagustuhan ko ang kanyang pagkatao. Opo! Ilagay natin siya sa Senado!