Advertisers

Advertisers

Defensor, Castelo at Precious sanib-pwersa sa ikauunlad ng QC

0 202

Advertisers

Ni MERCY LEJARDE

SA mini preskon nina Cong. Mike Defensor at Congresswoman Precious Hipolito Castelo ay tipong may chemistry sila at tipong “Precious” ang kanilang tandem sakaling si Cong Defensor ang mahalal na Mayor sa QC at muling mahalal naman si Precious (na dating artista pala ng Seiko Films) bilang Congresswoman of QC District 2.
Ang Mister ni Precious na si Winnie Castelo ang running mate ni Cong Mike na tatakbo namang Vice Mayor ng Quezon City. Kumbaga, tulong tulong or sanib puwersa silang tatlo sa ikauunlad pa more ng Quezon City sakali ngang sila ang manalo this coming May, 2022 election.
The following naman ay ang latest update sa Kapamilya Teleseryeng Viral Scandal nina Jake Cuenca at Charlie Dizon.
JAKE, KINAMPIHAN SI CHARLIE SA “VIRAL SCANDAL”
Rapist ang kanyang pamangkin na si Jigs (Markus Patterson). Ito ang paninindigan ni Mayor Troy (Jake Cuenca) at inanunsyo niya ito sa buong Sidero na hindi nagsinungaling ang anak niyang si Rica (Charlie Dizon) sa “Viral Scandal.”a
Natauhan si Troy matapos matalo ang anak sa kaso. Hindi na siya aniya magpapa-manipula sa ama at mas uunahin niya ang kapakanan ng kanyang mga anak na sina Rica at Raven (Kaila Estrada) kaysa sa posisyon at ambisyon.a
Nang marinig ni Kakay ang pahayag ni Troy, nasiyahan siyang makita na ipinagtanggol nito ang anak. Hanggang ngayon kasi ay patuloy niyang kinukumbinsi si Ella (Aya Fernandez) na tulungan si Rica sa kaso. Napagtanto niya na biktima rin ni Jigs si Ella.
Anu-ano pa kaya ang susunod na plano ni Troy ngayong pinagbantaan siya ng ama na babalikan dahil sa kanyang desisyon? Makumbinsi kaya ni Kakay si Ella at tulungan si Rica sa kaso nito?
Ang “Viral Scandal” ay nasa ilalim ng direksyon nina Dado C. Lumibao at Froy Allan Leonardo at produksyon ng RCD Narratives.
Subaybayan ang mga kapanapanabik na eksena sa “ViralScandal” gabi-gabi ng 9:20 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, iWantTFC, WeTV iflix. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.